Chapter Thirteen

499 8 0
                                    

(Abby)

I asked for one night and he gave me that.

We made love again and that was the most stupid thing I have ever done, sleeping with him again.

I'm just making it complicated. Don't you think?

Madaling araw na nang makatulog siya, kung anu-ano pa kasing ikiwento niya sa akin. He even sing a song for me. Yung alarm tone ko nung college pa ako I'm Just a Kid by Simple Plan. Para tuloy nagbalik lahat ng ala-ala ko before I realized na mahal ko pala siya.

He was my best enemy that time...

---

(Firstyear highschool)

Malas naman, kaklase ko pa itong si Champion Alonzo. Eh kababata ko itong kulugong ito eh. Galit ako diyan, napaka yabang kasi palagi ako inaaway at tinitrip nong bata kami.

"Ang escort natin ay si Champ Alonzo." Pag-aapoint nung teacher namin, walang nagreact.

So, dapat umaksyon na ako.

"Maam!" I raised my hand.

"Yes Miss Exconde?"

"Bakit po kayo nag-aapoint maam? Di po ba pwedeng pagbotohan?"

"Okay, who's voting for Mr. Alonzo?"

Tumaas ng kamay lahat ng kaklase ko. Napapahiyang napaupo ako.

"Ma'am I nominate Ms. Exconde to be my muse." Narinig kong sabi ni Champ.

"Who's voting for her?" tanong ng teacher namin. Hindi ko nakita kung nagtaasan ng kamay ang mga kaklase ko dahil nakayuko ako. Pag angat ko ng tingin, pangalan ko na ang nakasulat sa white board. MUSE ni Champ.

(Second Year Highschool)

"Waaahhh, ang dilim dito."

"Wag ka ngang babakla bakla diyan." Nakulong kami sa bodega ng home economics, ang bagal kasing kumuha ng ingredients para sa macaroon nitong duwag na lalaking ito.

"May dala ka bang flash light?" kinulbit pa ako ni Champ, gusto ko nang matawa.... Ang lamig na ng kamay niya.

"Wala." Lobat kasi ang cellphone ko, siya naman nakalimutan niya ang cellphone niya sa bag niya.

"Potek, wag mo kong iiwan dito."

"Eh nakulong nga tayo paano naman kita iiwan?"

DUWAG!

---

(Thirdyear Highschool)

Ang sakit ng tuhod ko, napa-dausdos kasi ako sa semento dahil nagba-volleyball kami. Grabe, kita na yata ang laman ko. Magkakapeklat ako, lagot ako kay mama.

Pag labas ko sa clinic nakita ako ni Champ na iika ika. He stop and look at me.

"Anong nangyari sayo?"

"Ni-rape."

"Talaga? May pumatol sayo?" nang-aasar nanaman siya. Sira talaga!

"Gusto mong makita yung sugat ko?"

Pansin ko lang ha, nanlaki ba yung mata niya? Namutla ba siya? Halata kasi Eh.

---

(Fourthyear Highschool)

Christmas party namin, sosyal yung nabunot ko gusto daw niya ng bow and arrow. Haller? Ang mahal kaya non, pero dahil private school ito at mayayaman ang tao kaya sige as you wish.

Ang laki tuloy ng dala ko. Sino kayang hudyo ang nag-request ng ganoong kamahal ng regalo. Samantalang ako,pink watch lang ang hiningi ko. Sabi kasi ng teacher namin not exceeding 2k. Ang yaman talaga, nakakainis. Christmas party lang yan ha.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon