Chapter Nine

635 13 0
                                    

That night nagluto masarap na dinner si Abby dahil may darating daw siyang bisita. Well, I didn't bother asking. Baka yung Alex lang yun. Nauna na akong kumain, chineck ko si Chammy sa kwarto niya. Nakita kong nagco-color siya sa sponge bo coloring book. Nginitian niya ako nang lapitan ko siya.

"You like patrick, huh." Hinaplos ko ang buhok niya.

Tumango lang si Chammy. Mula nang lumabas ito sa hospital ay naging mahiyain na siya sa akin, bakit kaya? Alam na kaya ng bata ang sakit niya...

"Gusto mo ba akong maging daddy?"

She lifts her head and nod at me with a smile. Nahuli ko nanaman ang kiliti niya. :) back to normal, my litle girl..

"Gusto rin kitang maging baby,"

"Pero, magkaaway kayo ni mommy." Tumitig sa akin ang anak ko at yumakap sa braso ko. "Bati na kayo, ha."

"Normal lang yung away namin," I lied "G-ganun talaga ang nagmamahalan."

Tila dalagitang kinilig si Chammy. Anak ng tinapay, four year years old lang siya pero naiintindihan niya na ang pinagsasasabi ko.

"Eeeeeee.... Love mo si mommy! Isusumbong kita."

Manang mana ka sa aking bata ka, SUMBUNGERA.

I acted nervous but the truth is, kinikilig din ako. Dapat siguro huwag ko munang isipin yung amin ni Abby, baka mapalayas ako sa bahay na ito ng wala sa oras. Focus lang dapat ako sa anak ko.

"Huwag, gusto mo ba akong paalisin?"

"Ayaw." She exageratedly said, napatawa ako. Habang tumatagal, mas nakikilala ko ang anak ko.

"Then don't tell her that 'I love her' okay?"

Marahang tumango si Chammy. Saktong may kumatok naman sa pinto, akala ko si Abby na pero natulala ako dahil si Kelly ang nakatayo sa harap ko. She was pretty and still have that charismatic look.

"C-Champ?" hindi siya makapaniwala.

"Hello there." Nilapitan ko siya para kamayan pero imbis na abutin niya ang kamay ko ay niyakap niya ako ng mahigpit. Oh NO... baka isipin ni Abby na.... tsk.

"I thought hindi na kita makikita," hinaplos niya ang pisngi ko at bumitaw sa akin, nilapitan niya si Chammy at binuhat ang bata. "Namiss mo ba ang Ninang?"

"Opo."

Wow! First time kong narinig na nag opo ang anak ko. Sa akin kasi hindi siya nangongopo, parang dabarkads lang.

"May mga chocolates ako para sayo, pero dapat kumain ka muna ng marami bago mo kainin yon ha."

Tumango lang si Chammy. Lumabas na si Kelly at Chammy, sumunod naman ako sa kanilang dalawa hanggang sa hapag pero tinanggihan ko ang alok ni Kelly na sumabay sa kanila dahil nauna na ako. Nagkatinginan kami ni Abby at nginitian ko siya pero hindi siya sumagot ng ngiti.

Lumabas ako at naupo sa swing na nasa garden at pinanuod ang mga alitaptap na naroon. Ngayon nalang ulit ako nakakita ng alitaptap.

"Sabi nila hindi ka daw magiging masaya hanggat may nararamdaman kang galit sa puso mo."

Mula sa mga alitaptap ay napalingon ako sa babaeng nagsalita. Si Abby pala. Alam kaya niyang umiiwas ako kay Kelly? Hindi siguro.

"Parang mas gusto kong piliin ang kalungkutan kaysa patawarin ka." Naglakad siya palapit sa akin at naupo sa bakanteng swing. "Masisisi mo ba ako, Champ?"

"Let's not talk about hatred, hindi ko na kayang marinig na galit ka sa akin. I already accepted my defeat."

Bumuntong hininga si Abby. "Six months... I'm not sure kung tatagal pa ng ganoon si Chammy." Malungkot niyang saad.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon