(Champ)
I was with my co-archery friends when I noticed a girl spying at the slightly open door. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Excuse me." Ipinatong ko ang bow and arrow ko sa table na exclusively for me lang nilapitan yung babaeng silip ng silip.
"Hi." Bati ko sa kaniya. She is beautiful.
"I... uh, nasa labas siya." Abby stutered. "Si Kelly."
I smiled at her and kiss her on the forehead, bagay na ikinataas ng magkabila niyang kilay. I don't know what changes her mind at naisipan niyang ipakilala sa akin yung Kelly pero naniniwala akong dahil yon sa nangyari kaninang pagsasabi ko sa kaniya ng SELFISH.
"Magagalit ka?"
"Mamaya magagalit ako sayo, pero pass muna ngayon dahil ayokong makita ng bestfriend ko na may bangas yang mukha mo."
Woah, she really speaks her mind. Napaka tapang talaga ng isang to'. Naglakad na kami palabas sa archery club.
Paglabas namin, may isang maputing babae na pang model ang lumapit sa amin at nag-ha-heart shape na yata ang mga matang inilahad ang kamay sa akin.
"I'm Kelly."
Mabilis kong inabot ang kamay ko sa kaniya at nakipag kamay. "You know who I am, obviously." I said gently. Her right hand were soft, bakit ba ako naiilang? Malambot din naman ang kamay ko, I'm a future nurse kaya siguradong malambot at walang kalyo ang kamay ko.
"And you know who I am too." Nakataas ang kaliwang kilay na pag-epal ni Abby.
"Pasok kayo sa loob ng club, I'll introduce you to my colleagues."
"Colleagues? Baka kuligligs." Pang-aasar ni Abby.
"Psshhhh...." Saway naman ni Kelly sa kaibigan nito.
Ayun... Kahit medyo annoying si Abby ay naipakilala ko naman si Kelly ng matiwasay sa mga kasamahan ko sa archery club. We are five in the club, bukod pa do'n yung mga students na kumukuha ng archery lessons. Kami ang official players ng university.
"Warren, Gary, Eddie and ElvinPaolo this is my friend Kelly."
"Hi." Isa isang kinamayan ni Kelly ang mga kasamahan ko.
"Hoy, hindi mo ako ipapakilala?" naiinis na bulong sa akin ni Abby.
Ayoko talaga siyang ipakilala sa mga kasamahan ko dahil baka maligawan pa siya, saksakan pa naman ng kalandian ang apat na ito.
"Kung gusto mong alagaan ang virginity mo manahimik ka dyan." Sagot ko sa kaniya na pabulong rin.
Inirapan niya ako sabay banat ng. "And I'm the side kick, charraaaannnn.... Abby."
Sabi ko na nga ba eh, makukuha niya ang atensyon nung apat. Kahit kasi maliit siya ay iba ang appeal niya.
"Hello, Ren nalang ang itawag mo sakin Miss Abby." Pag papakyut ni Warren kay tinker bell.
"I'm Gary, and this is my number... save mo ha." Kinuha nito ang kamay ni Abby at sinulatan iyon ng cellphone number.
"Eddie nga pala, pag may problema ka sa school just call my name and I'll be there."
Jusme! Kung kumanta nalang kaya ang isang to?
Si Elvin Paolo nalang ang hindi nagsasalita pero halatang crush nito si Abby. Totoy pa kasi kaya hindi makalandi tulad nitong tatlong tikbalang na to'.
"Ahhh.... Elvin Paolo nga pala ang name ko." Napakamot siya sa batok. "Ate nalang ang itatawag ko sayo ha."
o_O

BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
General FictionChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...