(Champ)
Pinatulog ko muna si Chammy, after that ay naglakad ako papunta sa may altar ng hospital. Walang tao, good.
"C-Champ?"
It's her.
Bakit ba pinapahirapan niya ako ng ganito, di ba nya alam na masakit na? sobra na. gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko nang ibaling sa iba ang pagmamahal ko. Sawa na akong mareject, takot na ako.
Palagi naman akong takot eh. What's new?
"Tatlo ang altar ng hospital, how come na iisang altar lang pala ang pupuntahan natin." Nilingon ko siya, nakayuko siya. "Lilipat na lang ako ng ibang altar, don't worry."
Nilagpasan ko siya, nakasalubong ko si Kelly. She's smilling at me so I smiled at her.
"Hi Champ," then, he kissed me on my ckeeck.
Sweet, how could you be so sweet? Samantalang noon iniiwasan kita, nilalayuan, tinataguan.
Kelly, bakit ganyan kang magmahal? Dont give me that kind of smile because I don't deserve it.
"Bestfriend!" nakita niya si Abby mula sa likuran ko at niyakap ito. "Kamusta na si Chammy?"
"S-she's not... fine." Abby replied.
"Kelly," tinawag ko ang babaeng niyayakap ang babaeng pinakamamahal ko, lumapit siya sa akin at yumakap sa braso ko. "Samahan mo ako sa altar."
"Okay, as you wish. Best, samahan ko lang siya ha." Paalam niya kay Abby, hindi ko na siya tinignan. Natatakot ulit ako, na baka kapag nilingon ko siya ay makalimutan kong kailangan ko nang mag-move on.
Naglakad kami ni Kelly papunta sa isa pang altar na nasa hospital, lumuhod ako sa pinaka aisle at tumabi sa akin si Kelly.
"God, please let this guy beside me become my husband." Kelly prayed, pabulong pero narinig ko.
I sadly smile. Sana ganong kadali yon.
"Kelly, gaano mo ako kamahal?" tanong ko sa kaniya.
"Mahal na mahal kita, handa akong tanggapin lahat ng sakit na pwede mong iparamdam sa akin, handa akong pasayahin ka sa abot ng makakaya ko. At kahit na anong kasalanan mo ay kaya kong patawarin dahil mahal kita."
Then...
"Listen to me Kelly," nakatingin lang talaga ako sa crucifix at hindi tinitignan ang mga mata niya. She has a pure heart, hindi ko na kayang maglihim pa. "Abby and I..."
"I knew it." Putol niya sa ipapaliwanag ko.
"What did you know?"
"Naaawa ka din kay Abby kaya mo ito ginagawa sa kaniya."
No!
"Ako ang ama ni Chammy,"
Isang minutong katahimikan. Then Kelly, burst out laughing...
"Excuse me, lalabas muna ako sa altar." She said in between her laughter.
Syempre sinundan ko siya, hindi pwede ito. Namimis-enterpret niya ako. Pero di ko na siya nakita, nasaan na yon?
"Totoo ang sinabi niya."
Huh? That was a familiar voice, pero hindi ko alam kung saan nang gagaling. Then may nag-page sa pangalan ko.
"Paging... Nurse Champ Alonzo please proceed to room 403,"
(Abby)
My bestfriend still loved Champ. Narinig ko ang sincerity niya, nadama ko ang pagmamahal sa bawat linyang binibitawan niya.
BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
Ficțiune generalăChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...