Chapter Fourteen

580 7 0
                                    

<Anjonette Alonzo>

I looked at the picture on the frame, it was a picture of me and my grandchild. Yakap yakap ko siya habang nakangiti kaming pareho sa harap ng kamera...

- - - - -

"Just call me Tita Joni," I smiled at her, she's very beautiful but I guess hindi ito ang time para purihin ko ang babaeng nagpapagulo sa buhay ng anak ko. Champ, my son... I'm very sorry about what I did to your life. Gusto ko lang namang maabot mo ang mga pangarap mo, eversince yon lang ang pangarap ko for you. Hindi naman masamang mangarap ang magulang para sa kaniyang anak, hindi naman masamang makialam paminsan minsan diba?

"Tita Joni, bakit niyo po ako pinapunta dito?" nandito kasi siya ngayon sa Alonzo's mansion. Pinasundo ko siya sa driver namin na driver pa ni Champ nong college siya, to talk about serious matters regarding my son's future.

I should tell her now. Nararamdaman kong mabait siyang tao, naguguluhan lang siya dahil sa pag-asang naaaninag niya mula sa anak ko.

"Please don't complicate my son's life."

"Po?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Si Champ, stop hoping for his love hindi ka niya kayang mahalin. Don't force him to love you, don't force yourself to someone who loves someone else." I looked intently to her eyes. "Kelly... I know you love him so much, that until now you are hoping for that love to retroact."

"Tita...h-hindi niyo po naiintindihan-."

"Love begets love, your's is only one sided. Don't hurt yourself."

"H-hindi niyo po talaga-"

"Naiintindihan kita, kaya nga I'll propose a deal."

"Deal po?" ulit niya.

Tumango ako, tapos ay ginagap ko ang mga kamay niya na nakapatong sa lap niya.

"Kelly, if you can make Abby and Champ together again I will give you anything that you want."

"Tita I don't want anything... I only want your son, he's the only person on earth who completes me."

"I cant give him to you, marami na akong ginawang kasalanan sa kaniya. I want to pay for everything that I did to him. Kung mahal mo talaga siya, you should let him go."

Yumuko si Kelly at umiling. Kinakalaban niya ba ang isang Anjonette Alonzo? I know everyone thinks of me as a boring librarian but no one knows me well exept my husband. Champ's dad. He knows all my wicked schemes at syempre dahil mahal niya ako ay hindi siya nagrereklamo at sinasakyan nalang ako. That's one of the million reason why I love him.

"It's hard to decide on that tita, marami po akong pinagdaanang pagsubok sa buhay... My father left us for another woman, tapos nagpakamatay ang mother ko dahil sa dad ko. Nagkaroon ako ng boyfriend na binubugbog ako at nong college sumasayaw ako sa isang bar tuwing gabi na halos wala ng suot o di kaya ay nagmomodel para magka-pera, then I met your son... he inspired me to be a brand new person, he inspired me to be brave, he saved me from my ex-boyfriend. Hindi niyo po naiintindihan kung bakit mahal na mahal ko siya... kung bakit di ko siya kayang bitiwan."

Nagulat ako sa narinig ko. This girl, I feel sorry for her. Pagkarinig ko ng storya niya ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

But still... hindi parin siya ang mahal ni Champ. Alam ko kung paano umibig ang anak ko. Call me anything you want pero kahit naaawa ako kay Kelly, it wont change the fact na si Abby ang mahal ni Champ.

Hindi kayang diktahan ang isang pusong nagmamahal ng totoo.

"May nakalaang tao para sa atin, Kelly. Don't chase love, you'll be seriously hurt by that. Oo nga, masakit ang pinagdaanan mo pero sa tingin mo ba, by getting Champ ay magiging ayos na ang lahat? Sa tingin mo ba Kelly, magiging masaya ka kapag nakita mong may dalawang pusong sugatan dahil sa pansarili mong kagustuhan? Hindi lang ikaw ang may pina daraanan sa buhay, hija... alam mo ba yung takot na nararamdaman ni Abby kapag dumadaing ng sakit ang anak niya? Yun yung nararamdaman ko para kay Champ, sobrang sakit para sa isang ina na katulad ko kapag wala akong magawa to ease that pain. Sa ngayon, alam kong may magagawa pa ako."

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon