Chapter Fifteen

518 11 0
                                    

(Ezra Exconde-past)

I was standing here for almost three hours, ang tagal lumabas ng doctor ni Abby. Kinakabahan na ako para sa anak ko, she's having a hard time delivering her twins. Yes, her twins... hindi niya alam na dalawa ang laman ng tyan niya dahil hindi ko siya pinayagang ipa-ultrasound ang kaniyang tyan because it was her first time giving birth.

"Joni, kinakabahan na ako..." nilapitan ko ang kaibigan ko, the mother of my daughter's children. In short, she's Champs mother.

"Ako di Ezra..." napakapit siya sa akin.

"Twins, she's having twins..." her husband mumbled.

"Kaya nga kinakabahan kami." Sabay pa naming banggit ni Joni.

"Magdasal nga kayo, nahihilo nako sa kapaparoon at parito niyo."

Today was also Champ's final exam, narinig kong ibinubilong iyon ni Joni sa asawa niya.

Okay, aaminin ko na alam ko ang schemes ng babaeng ito. Ayaw ko rin na mag-asawa ng maaga ang anak ko dahil panigurado masisira ang buhay niya. Kaya pumayag ako kay Joni na paghiwalayin ang dalawa. She's my friend and I trust her... I obeyed.

Lumabas na rin ang doktor kasama ang isa sa mga pinsan ni Champ na si Duke. That guy, he had a mystifying look and aura.

"Duke," tinawag siya ni Joni lumapit naman ang binata sa kaniyang tiyahin, may ibinulong si Joni kay Duke, tumango lang ang binata at umalis na. yung doctor naman ang nagsalita pagkaalis ni Duke.

"It's a healthy fraternal twins... the mother is okay though she black out before seeing her babies."

Lumapit si Joni sa doctor, "Doc... let's have a deal."

(Ezra Exconde- Present)

"Arc, nasan kana ba?" ang kulit naman ng apo kong ito, kanina ko pa siya hinahanap sa loob ng malaking mansyon na ito pero wala ni anino niya. Mula sa America ay umuwi kami dito dahil sa balitang natanggap ko mula kay Joni na kritikal na daw ang lagay ng isa ko pang apo na si Chammy.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako pumunta ng America, dahil itinatago ko kay Abby ang isa pa niyang anak. Bakit ko ito ginawa? Hindi ko rin alam sa sarili ko. Walang kwentang ina talaga ako. Pero bumawi naman ako sa apo ko diba? I raised him with proper care, and so much love.

Mga bagay na hindi ko noon naipakita kay Abby dahil sa galit ko sa mundo.

"Arc! This is not funny anymore..."

Pero wala paring sumasagot na batang makulit. Napakamot ako sa ulo ko, may dumaang maid.

"Ah, miss may nakita ka bang batang lalaki?"

"Ay opo kasama ni Madam sa studyroom,"

Nakahinga ako ng maluwag, kasama naman pala ng isa pa niyang lola. Pero ayaw ni Joni na tinatawag siyang lola, gusto niya ay Mamita or mamu. Naglakad ako papunta sa studyroom na ang pagkakatanda ko ay sa right wing pa.

Hindi na ako kumatok, pag-pasok ko ay kitang kita ko ang eksenang nangyayari. Isang lalaking nakatalikod mula sa pinto, nakaluhod siya yakap yakap ang batang si Arc...

(Champ)

Tuloy tuloy lang kami ni Dad sa loob ng masion tapos nauna siyang pumasok sa study room ni mommy at syempre kasunod ako. May naka-kalong kay mommy na batang lalaki, napatingin silang pareho sa amin ni Dad.

"Lolo!" lumundag yung batang lalaki at yumakap kay dad. Naguguluhan man ay napangiti ako ng alanganin kay mommy, the kid reminds me of my girl... Chammy. "I miss you, you didn't visit me anymore."

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon