Chapter Ten

550 10 0
                                    

Chapter Ten

(Kelly)

Four years ago I had been given a chance to met a guy named Champ... I fell in love with him and until now I still do. He was my savior, noong muntik na akong kunin ng ex kong obsessed sa akin. He is my hope in my every day life. Hinding hindi ko siya makakalimutan, his memories with me makes feel brand new.

I know hindi kami naging masyadong close nung una. Nung college kami ay bihira ko lang siya nakakasama at hindi ko makakalimutang pasalamatan si Abby... My bestfriend who helped me become closer to Champ... My only bestfriend on earth.

Alam niya lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Pareho kaming galing sa broken family pero ang worst lang sa situation ko ay nagpakamatay ang mommy ko sa pambababae ni Dad. We are all devastated that time, ako at ang daddy ko. But Abby never leave my side, she's always there to support me, to protect me, to guide me. Kaya kahit na hindi niya sa akin sinasabi yung tungkol sa lalaking nakabuntis sa kanya nong college kami ay hindi ako nagtampo sa kaniya. I know her, ayaw niyang ng kinukulit siya sa ganong usapin.

Abby and Champ, they are my angels...

Speaking of Champ, kasama ko siya ngayon dito sa photoshoot ko. I became a model after I graduated, hindi ko napakinabangan ang pagiging medical technologist ko. Hehehe

"Okay ten minutes break!" sigaw ng photographer sa amin, I forgot his name.

Nilapitan ko si Champ, nakatingin lang siya sa akin at nakangiti- a weak smile. Bakit kaya? Pero ayaw kong i-spoile ang moment na ito... masaya na eh, nandito na siya ulit.

"Kain tayo." Yaya ko sa kaniya.

"Pero ten minutes break lang."

Nginitian ko siya at saka ko kinuha sa loob ng bag ko ang niluto kong pagkain na nasa binalutan. Excited nga ako, ano ba kayo! Kagabi kasi tinawagan niya ako, o diba alam niya ang number ko. Ganito din noon eh, siya yung unang nagtext sa akin. Nakuha niya siguro sa isa ko pang angel na si Abby. Ang saya naman, nakikiayon ang kapalaran sa akin.

"Wow, what did you cook?" asked Champ. Inabutan ko siya ng spoon ang fork.

"Tempura, bilis kain na tayo." Binuksan ko yung binalutan ko at nagsimula nang kumain, napansin kong nakatingin lang siya sa akin. He looks serious... May mali sa mukha ko? Lumabis ba mascara ko? Lagpas ba lipstick ko? Yung eyeliner ko ba sabog na? "B-bakit?"

Umiling lang siya at nagsimula naring kumain. Hindi pa kami tapos kumain ni Champ nang marinig ko ang pagtawag sa amin ng photographer. Ibinaba ko ang binalutan ko at uminom na ng tubig.

"Babalik lang ako sa shoot, saan mo gustong pumunta after nito?"

"Home."

Huh? Gusto niya na agad umuwi? Ambilis naman, o sige na nga... dun siya masaya eh.

"Ah... sige." Sabay talikod ko at bumalik na sa set. Hmnnn... mukhang malungkot talaga siya. Mamaya kaya itanong ko? Baka naman isipin niya filingera ako.

Nagpose ako ng ilan, at after one hour ay pinayagan na kaming umuwi. Nilapitan ko muna yung photographer namin para tignan yung mga picture ko. Infairness, cute siya. Ganda ng smile nitong photographer namin pang toothpaste, edi siya na!

"Kelly, right?"

"Opo."

"hahaha... opo daw. By the way ito ang kopya ng mga pictures mo." Iniabot niya sa akin ang memory card niya. "Ibalik mo nalang sa akin next photoshoot."

Then tumalikod na siya. O...k.... di man lang nagpakilala si Kuya.

Nilapitan ko si Champ, may kumakausap sa kaniyang isang lalaki. Co-model ko, si Wancho.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon