Pagkatapos turukan si Chammy ay nagpaalam na ako sa kaniya, nakasalubong ko kasi yung cashier ni Kuya Reicko na si Feliz at sinabi sa aking bumalik na sa BAF ang amo nito.
"Chammy, aalis muna ako. Pero tatawagan kita ha." Nginitian ko ang anak ko at hinalikan siya sa noo, tulad ng ginagawa ko dati sa mommy niya. "I love you." Bigla kong naiusal.
Niyakap ako ni Chammy at hinalikan ako sa pisngi. "I love you too,"
"Kakain ka na ng madami ha."
Tumango lang siya at sumama na sa kaniyang ina. I waved goodbye to Abby but she didn't answer.
She still hates me for running away.
And I hate my self for being a coward.
Do you all know what is the hardest part of living? It is the thought of sleeping without Abby and waking up feeling empty deemed that the love of your life is not with you anymore.
Inihatid ko na sa foundation si Feliz at sumakay ako sa kotse ko, I must talk to my mother and ask her about the things that bothers me a lot this past four years.
"What are you doing here?" nagulat ang mommy ng pumasok ako sa kaniyang opisina at pabalag na isinarado ang pinto. I closed all the blinds before I burst out.
"Ano sana ang gagawin mo kay Abby four years ago?"
Itinigil nito ang ginagawa at nilapitan ako. "Wala. Gusto ko lang na tapusin mo ang pag-aaral mo."
"Shit." Ibig sabihin? Nilayuan ko siya at ang anak ko para lang sa WALA. Dahil gusto nilang mag-aral ako?
"We did it for the two of you, kung paiiralin mo ang puso mo that time hindi ka mag-ta-top notch sa board."
"For the two of us?" mapait kong saad, I cant believe that I'm talking to my mother. "What a selfish act! Alam mo bang may anak kami? Alam mo bang may apo ka sa kaniya?"
"Alam ko, Champ."
"Then why the hell did you set us apart?" hanggat maaari ay ayaw kong sumigaw dahil nasa school ako.
"Kailangan ko bang ulitin nanaman? I want you both to study first."
"Being the top notcher of this freaking course isn't my dream! Being your son isn't my choice! I just want to be with her, noon niyo pa alam yon' diba?"
Natahimik si mom ng panandalian. "Wala ka nang magagawa, tapos na ang lahat... malaki na si Chammy at may nobyo na si Abby. So move on."
I cant believe on what I am hearing. May boyfriend na daw si Abby?
(Abby)
Narinig ko ang malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay, nagkatinginan pa kami ni yaya. Ano.. magjajak en-poy ba kami kung sinong magbubukas ng gate?
Siyempre si yaya ang nagbukas ng gate, dumating na siguro si Alex. Siya ang tutor ni Chammy, next week kasi ay i-e-enroll ko na siya sa prep.
"Good afternoon." Bati sakin ni Sir Alex, halos kasing edad ko lang siya at binata pa pero sabi niya sa akin wag daw akong maiilang dahil may nililigawan naman daw siya.
Fine!
"Miryenda ka muna." Inilapag ko sa center table ang isang plato ng mocha cake at isang baso ng juice. "Tatawagin ko lang si Chammy."
"Sige."
Nakakinig ako ng sunod-sunod na doorbell mula sa labas, sinabihan ko si yaya na siya na ang magbukas non dahil tatawagin ko pa si Chammy sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
General FictionChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...