Epilogue

981 16 5
                                    

Eight years old Champ

"Waaahhhhhh!!!!!! Hame-hame wave! Voltes Five! Daimos!!!! Lupin the third! Nobita! Mojako! Robocop! Power ranger red! Wwaaaahhhhh bakit may hello kitty???" ang saya ko habang nagbubukas ako ng gift, birthday ko ngayon eh. Tumatanda na ako.

Ang ingay ingay ko, ako ang pinaka masalaw sa kanilang lahat. Hindi ako magpapatalo sa apat kong pinsan.

"A-ano to!?" kinapa ko yung loob ng isang box at inianggat ko yung manipis na bagay na nakapa ko.

WAAAAHHHHHH!!!!! Mommy!!!!!

Napatalon ako sa takot ng makita yung regalo sa akin, Halloween mask? Mommy, natatakot ako.

"Bwahahaha!!! Ambakla, hahahaha." May isang tawa na umalingawngaw sa buong bahay at iyon ang naka-agaw ng pansin ko.

It was a litle girl wearing a nice pink dress. Medyo curly ang buhok niya at ang ganda niya. She was laughing at me but for some reason, hindi ko magawang mainis sa kaniya.

And my heart, it's beating too fast habang papalapit ako sa kaniya.

"Hello." I smiled at her. "Ikaw ba yung batang nagregalo sa akin ng halloween mask?"

"Yes," she replied sabay takbo palayo.

That time, I don't know what the tramp is wrong with my heart. It keeps on beating for that little girl.

Nilapitan ko si dad para tanungin kung anong pangalan ng batang iyon at nadiskubre ko na, Abbyjein Exconde ang pangalan niya.

-----

"Dahil sa ginawa mo, nainlove ako sayo."

Abby touches my forehead then kiss it qickly. "Paparusahan mo ba ako?"

"Yes," I chuckled.

"Anong parusa?"

"Soon, sasabihin ko sayo." Then I stand. "Matutulog na ako, ikaw ba?"

"Mamaya na ako matutulog, may tatawagan lang ako."

Tinaguan ko lang siya at naglakad na ako papasok sa bahay. Ngayong gabi dito muna ako sa kwarto ko, sana naman sa susunod na gabi tabi na kami ni Abby? Hahahaha!!! Ansaya ko, balew lang.

(Abby)

Sinilip ko muna kung nakapasok na nga ba si Champ sa bahay bago ko i-dial ang phone number ni Kelly. Bukas, pipirma na siya ng kontrata dahil aalis na siya ng Pilipinas at lilipat na sa Paris, France. Nakakalungkot, kasi aalis na ang nag-iisa kong bestfriend at alam kong isa sa mga factor ng pag-alis niya ay gusto niyang mag-move on .

Ayaw na muna niyang kausapin si Champ dahil baka magbago ang isip niya. Luka talaga! :-) pero kahit ganon yun, mahal ko yun.

"Bestfriend! Ano nang balita?" bungad ni Kelly.

"Ang saya kanina, sana nandon ka para nakapag-usap narin kayo ni Champ at nakapag-babye ka!"

"Eeee naman eh, wag na muna." Pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses.

Kelly, makakahanap ka rin ng para sayo. ^___^

"Mag-iingat ka don ha!"

"Oo naman, basta tatawagan mo ako palagi para naman hindi ako ma-home sick."

"Sus! Kasama mo naman yung photographer niyo dun, hindi ka maho-homesick."

Tumawa si Kelly. "Yah, I think mababawasan pagka-home sick ko dahil sa isang yon."

"O sige, basta tatawag ka palagi ha. Goodnight na bestfriend."

"Goodnight BFF!"

Kinaumagahan nagising ako sa tawanan mula sa kabilang kwarto. Sinilip ko ang mga tao doon at nakita ko Champ na nagsasayaw sa harap ng dalawang bata. Hindi ako familiar sa sinasayaw niya basta parang katulad nung sa high five pero kanta ni barney ang kanta.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon