Chapter Eight

576 10 0
                                    

You know I can take one more step towards you

Cause all that's waiting is regret

And don't you know I'm not your ghost anymore?

You lost the love I love the most

I learn to leave... half alive

And now you want me one more time

Who do you think you are...

Pasimple kong pinatay ang speaker, ang emo talaga nitong si Kuya Duke. Sino bang pinatatamaan nito? Ako o si Wancho?

Nandito kami ngayon sa meeting room at nagkukwentuhan. As usual,kaming tatlo nanaman ang present sa meeting at sigurado absent yung dalawang nagpapayaman sa buhay.

Hindi nalang kami nag-meeting, nagpatugtog nalang si Kuya Duke ng mga ballad songs. Anak ng Ninja! Kanina ko pa nahahalata tong si Wancho na tulala, ano kayang problema ng pinsan kong ito?

Siguro naman hindi para sa akin yung 'jar of hearts' ni Christina Perri?

Binuksan ulit ni kuya Duke yung speaker at iniba yung kanta, pero iniba na yung kanta. Potek 'take my heart back' naman ni Jennifer love hewitt.

"Wala bang masaya diyan?" ayan umepal na si Wancho. Sabi ko na eh, may pinagdaraanan itong playboy na to.

Pinindot ni Kuya Duke and ipod niya at napalitan iyon ng... SOBRANG NAKAKA-POTEK na kanta.

If you'll ever leave me baby

Leave some morphine out my door

Cause it will take a whole lot of medication

To realize what we use to have we don't

Have it anymore...

Shet! I need to go. "I'm bored. I need some sleep." Paalam ko sa dalawa. Nakita ko silang nagkatinginan. Hayyy... nabiktima yata ako ng dalawang epal na to'. Grrrr...

Pero hindi ako dumiretso sa kwarto ko, lumabas ako sa BAF at sumakay sa kotse ko. I opened the stereo pero huli na ang lahat dahil nakakalungkot na naman ang kanta. Nak nang tupa lang talaga!!!

Dalawang araw ko nang tinitiis ang sarili ko na huwag puntahan si Abby. Gabi na ngayon, kanina lang ay naayos na sa wakas ang lovelife ni Kuya Reicko, nakalimutan ko pang igalang sila dahil sa emosyon ko. Nakakainggit lang, feeling ko kasi si Kuya Chester ay nagkaka lovelife na rin. Kaming tatlo nalang nila Kuya Duke at Wancho ang naiwan sa Foundation kanina.

Paano ba naman kasi, pagkatapos maging okay ni Kuya Reicko ay nawala nalang bigla si Kuya Chester at Maria.

Nagring ang cellphone ko, hindi nakaregister ang caller.

Calling 092........

"Who is this, please?"

"Champ, nasa hospital si Chammy... ikaw agad hinanap niya. Can you come over here? Hindi kasi siya makatulog" It was Abby.

"Anong nangyari?" nabalot ako ng pag-aalala. "Bakit siya dinala diyan?"

"Lack of potassium," haaayyyy shet na buhay to' bakit ganon? Last time ay Lack of appetite tapos ngayon panibagong Lack'? watdafuuuuu..... "Nandito kami ngayon sa St.David's."

Ibinaba niya na ang phone. I started the engine and quickly manuevered. Mabilis akong nakarating sa hospital, itinanong ko sa nurse na nasa station kung nasaan ang room ng anak ko. Room 403.

400, 401, 402.... Knock knock!!!

Binuksan ng maid nila Abby ang pinto at pinatuloy ako. Nakita kong nakaupo si Chammy sa may gilid ng kama at may hawak na story book. Hinanap ng tingin ko si Abby pero wala siya.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon