(Abby)
Hindi natin masasabi ang buhay. Kung minsan, akala natin kilala na natin ang sarili natin pero may matutuklasan tayong bigla na babago sa mga pananaw natin.
Akala natin, kung anong mga alam natin ay yon na talaga yon hanggang huli, pero madadagdagan pa pala.
Marami pa tayong hindi natutunan at hindi sapat ang habang buhay para alamin ang mga bagay na iyon.
"T-twin brother?" nangangatal kong tanong kay Champ, anong biro ba ito?
Yumuko si Champ at hinilot ang kaniyang sintido. "Kaya kita dinala dito kasi gusto kong makilala mo siya."
"Paano nangyari Champ? Si Chammy lang ang nakita ko, siya lang ang laman ng tiyan ko. Paano siya nagkaroon ng kakambal?" I asked him histerically.
"You fainted after giving birth, at dahil hindi mo rin alam kung kambal ba ang anak mo or what ay wala kang clue. Itinago nila mommy ang isa pa nating anak, they named him Archery Alonzo."
I was still confused.
His mother, is she a monster for doing this to us?
"W-what kind of mother is yours?" nasasaktan kong tanong. "alam ba niya kung gaano kasakit ang ginawa niya!?" anytime pipiyok na ako sa sobrang lakas ng boses ko.
I heard my own voice echoing and it hurts even more!
"AT IKAW, ALAM MO BANG SOBRANG SAKIT NG GINAWA MO? KAILAN MO PA NALAMANG MAY KAKAMBAL SI CHAMMY?"
"Why don't you lower your voice Abby?" he calmly asked.
Tinignan ko siya ng masama. "Where is he?"
Akmang magsasalita palang si Champ ng may nahagip ako sa peripheral sight ko. Isang batang lalaki na nakastripe ng red at white at khaki short.
Binalingan ko siya, he is smiling at me while tears are flowing on my cheecks.
"Daddy? Mommy? Are you fighting...?" tanong ng batang lalaki, nag-iwas ako ng tingin at pinahid ang luha ko.
He called me mommy? Kilala niya ako?
"Come here Arc," tawag ni Champ sa batang lalaki, hindi ko sila matignan. Naguguluhan parin ako, nasasaktan. "Give your mom a hug."
Narinig ko ang maliliit na yabag ng paa na papalapit sa akin, sandali iyong tumigil at ilang saglit pa ay nakayakap na sa aking baywang ang batang lalaki.
Arc, I'm sorry pero....
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at nagtatakbo ako palabas ng mansion. Narinig ko pa ang pag-iyak ni Arc at ang pagtawag sa akin ni Champ, anong gagawin ko? Naguguluhan ako... mababaliw na yata ako.
(Kelly)
Kailangan kong pumunta sa gym ngayong hapon. Sabi ni Yohann sakin kanina, para daw maging okay ang pakiramdam ko ay kailangan kong mag-exercise palagi at uumpisahan ko na agad.
Oha! Akala niyo may malisya yung sinabi niyang tuutlungan niya akong makalimot. NO!
Yung tulong na sinasabi niya kanina ay mga tips para maka-move on ako ng mabilis. If you can still remember, kabebreak lang niya sa girlfriend niya. Pag-labas ko sa unit ko ay nakita ko si Abby na nakaupo sa gilid ng pinto habang sapo-sapo ang kaniyang mukha. Her hair was messy tapos medyo gusot na yung suot niyang damit.
"Hey! Anong nangyari?" nilapitan ko siya at niyakap.
Imbis na sumagot ay umiyak lang siya.
"Abby, sabihin mo naman sakin... feeling ko wala akong kwentang bestfriend eh. Palagi kang naglilihim, palagi kitang pinagbibigyan. This time, you should tell me."

BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
General FictionChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...