Chapter Sixteen

563 11 0
                                    

(Abby)

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang kaharap ko ngayon si Tita Joni kasama niya si Mama na ngayon ko nalang ulit nakita. Hinihintay kong lumabas si Champ mula sa kwarto ni Chammy dahil inaayusan niya ang anak namin. Ironic, isnt it? Pero siya talaga ang nagpresinta na ayusan si Chammy dahil hindi pa daw niya nagagawa yon, pinayagan ko naman siya kaya heto ako ngayon kasama sa living room ang dalawang nakatatandang babae.

"Ah, gusto niyo po ba ng maiinom?" err... pang ilang beses ko na bang tanong ito sa kanilang dalawa? Pero tumatanggi lang sila.

"Wag ka nang mag-abala anak." Sabi ni mama, nagyakapan na kami kanina at medyo naiyak rin ako. Ilang taon ko din kasi siyang hindi nakita tapos ngayon parang kabute na darating siya. Weird.

At saka base sa obserbasyon ko, hindi na siya kasing sungit ng dati. I mean, kung noon ay bitter siya sa buhay niya ngayon ay nakakangiti na si mama.

"Ang tagal naman si Champ, minemake-up-an ba niya ang apo namin?" natatawang sabi ni Tita Joni. God, I want to ask her tungkol sa sinabi noon ni Champ na ang mga magulang daw nito ang mainly may gawa kung bakit tumakbo siya palayo sa akin at sa responsibilidad niya.

"Four years old lang yon mare," ani mama na nakikitawa na rin.

"Hehe.." pagsali ko sa tawanan nila pero ang totoo ay binabagabag ako ng maraming katanungan.

Tanong para kay mama, kung bakit biglaan ang pag-alis niya noon sa bansa. Bakit madalang niya akong tawagan? Anong ginawa niya sa America? Anong nararamdaman niya ngayon na malaki na ang apo niya at malapit na itong.... Mamatay?

Tanong para kay Tita Joni, totoo bang may kinalaman siya dito? At kung mayroon man, bakit niya ginawa iyon?

"Hayyy salamat nandito narin ang prinsesa natin."

Muling tumapak ang mga paa ko sa realidad ng marinig ko ang boses ni Mama. Nakita ko ang pagbaba ni Champ mula sa hagdan, buhayt buhay niya si Chammy at halatang nahihiya sa dalawang bisita, at talagang ngayon pa nahiya ang batang ito? Napangiti naman ako.

"Chammy," malambing na wika ni Champ, lalo tuloy akong nai-inlove sa kaniya. "Diba gusto mong makilala ang mga lola mo?" iniharap niya sa kaniya ang anak namin at hinawi ang buhok nito na tumatabing sa noo.

"Opo." Maikling sagot ni Chammy.

Napatingin sa akin si Champ sa sagot na iyon ni Chammy, bakit?

"Abby, nag-po siya sa akin." Nakangiti si Champ sinasabi iyon sa akin.

"Syempre, Daddy ka niya eh." Si Tita Joni ang nagsalita, gusto na yatang batukan ang unico hijo dahil sa pagpopose ng sobrang kasiyahan.

"I mean, mom... hindi sakin nangongo-po ang anak ko."

"O sige sige, ipakilala mo na kami."

"Chammy, this is your Lola Joni." Iniabot niya si Chammy kay Tita Joni.

"Nah, don't call me Lola. Mamita dapat, okay?" pagpapaliwanag ni Tita Joni kay Chammy, nahihiya talaga ang bata kaya nakayukong tumango nalang siya.

"Turuan ba naman ng kaartehan ang anak ko, Mom? Why don't you just be true to your self, matanda kana."

Tinignan ni Tita Joni si Champ ng masama. "Be true to your self pala ha,"

At doon na nag-iwas ng tingin si Champ. For the second time, BAKIT? Mayroon ba akong hindi alam na alam ng mga ito? Dapat ko bang malaman, or... may karapatan ba akong malaman?

Si Mama naman ang lumapit kay Chammy.

"Anak, siya ang Lola Ezra mo. Mama siya ng mommy mo." Said Champ. Then kay Mama niya naman ito ibinigay.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon