UH [36]

31.5K 600 108
                                    

[DARA]

 

Yoona loves GD...

Yoona was the one sending the pictures...

GD knew it all along..

'Oh my gahd, Dara!! Are you alright?? May nangyari ba sayo?! Did that Yoona btch hurt you?'

And I guess that ALL of them knew..

'You're too naïve and it's getting annoying.'

Am I that naïve? Am I that insensitive?

“AAAAAAAAAHHHHHH!!!!!” binaon ko ang mukha ko sa aking unan at nagpapadyak ng paa sa hangin.

How many days have I been like this? 3? 4? A week, maybe?

Ako lang naman pala ang tanga dito mula nung umpisa eh. Bakit ba wala akong kaalam-alam? Uggggh! Nakakaiyak ang ganito, promise. Yung ikaw lang pala ang walang ideya sa mga nangyayari tapos ikaw pa yung pinag-iikutan ng topic.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto at pumasok si Bom, “Dara, you need to eat and go out. We miss you.” umupo si Bom sa gilid ng kama ko at tinapik-tapik ang balikat ko.

“Hindi masaya ang mga rehearsals kapag wala ka, unnie.” narinig ko ang boses ni Minzy.

Yes, nagpaalam ako kay Papa YG na kelangan ko muna ng oras para sa sarili ko.

And you know what? He instantly agreed. So I'm guessing, he knew this all along, too.

“Lagi na rin kaming kinukulit ni GD kung nasan ka.” bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pangalang 'GD' sa sinabi ni CL.

Yun naman talaga ang main reason ko kung bakit hindi ako nalabas eh. Ayoko muna siyang makita. Ayoko munang makita si Yoona, kahit si Kiko.. kahit si Hero. Dahil alam kong alam din ng dalawa kong kaibigan ang mga nangyayari.

Hindi ko ba alam kung magagalit ako oh ano eh. Magagalit ba ako sa kanila kasi hindi sila nagsasabi sa akin o magagalit ba ako sa sarili ko kasi napaka-ignorant ko?

Agggh! Naguguluhan na ako! >O<

Nakabaon pa rin ang mukha ko sa unan ko nang narinig kong nag-sigh si Bom. Ilang beses na rin ba nila akong sinusuyo at pinipilit?

Unofficially His Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon