UH [10]

46.8K 988 262
                                    

Hindi ko talaga kayang mag-gawa ng update na 5 pages pataas.

Ajujuju, sorry. D:

Yung evidence, kapag nakita ko na yung usb ko. Ampupu, nawawala. ToT

********************** 

[3RD]

"Halaaaa, we'll be spying on noona?! That's baaaaaad!" parang batang sabi ni Daesung na nakaupo sa sanga ng isang puno.

"Shut up, monkey." mahinang sigaw naman ni GD na naka-hat with matching shades habang nakaupo sa isang bench at nagbabasa 'kuno' ng dyaryo.

"This is so childish. -____-" angal naman ni TOP na nakasandal sa puno na inuupuan ni Daesung.

Naka-hat din sya w/ shades at may hawak na newspaper.

"Umamin ka nga, GD. Why are we spying on them? Nagseselos ka ba?" seryosong tanong ni Taeyang na katabi ni GD sa bench at may hawak ding dyaryo.

Ganun din ang attire.

"HAH! Me? Jealous? Asa pa. Binabantayan ko lang si Dara, baka ipahiya lang nya si Wooyoung sa katangahan nun." pagdedepensa ni GD.

"If you say so. Okay na yung sigurado ako..."

"Anong----" hindi na naituloy ni GD ang itatanong nya kay Taeyang nang biglang...

"MALAAAAPIT NA SILAAA!!" sigaw ni Seungri habang patakbong lumapit sa kanila, umupo sa gitna ni Taeyang at GD, at binuksan ang kanyang dala-dalang props na Dictionary. 8D

Naglakad-lakad muna sila Wooyoung at Dara sa isang park.

Well hey, they also need some fresh air.

Komportable namang nag-uusap ang dalawa nang biglang parang bumigat ang pakiramdam ni Dara.

"Wooyoung..."

"Hmm?"

"May nararamdaman ka ba?" parang nag-aalangang tanong ni Dara.

"Nararamdaman?" napahinto naman yung dalawa sa paglalakad.

"Alam mo yun.. Yung parang.. parang may nakatingin sayo." tiningnan ni Dara ang paligid pero wala naman syang nakitang suspicious.

Unofficially His Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon