UH [38]

28.6K 743 195
                                    

 * * * * * * * *

[DARA]

*kriiiiiing kriiiiiiiing*

Kinapa-kapa ko ang bedside table ko at hinanap ang alarm clock para patahimikin ito.

Umupo na ako mula sa pagkakahiga at nag-inat. Dumiretso na ako sa CR, naligo at nag-ayos. Humarap ako sa salamin at inayos ang palda ng uniform ko.

Ang waitress uniform ko.

Ngumiti ako sa sarili ko pero sino nga bang niloloko ko, kita pa rin ang lungkot sa mga mata ko.

It's been weeks na, 1 month na nga siguro, nang nakaalis na ako sa YG. Hindi na ako bumalik sa dorm para kunin ang iba kong mga gamit at dumiretso na dito sa dati kong tirahan.. sa may eskinita.

Tinawagan ko na rin ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko dati at agad din naman nila akong tinanggap ulit.

At eto ako ngayon, back to the old Sandara Park. But I cannot say that I'm back to the old me. Dahil ang totoong ako ay pinipilit ko nang kalimutan. Ang kinikilalang 'Dara' na taga-2ne1.

Iniba ko na rin ang cellphone number ko para maiwasan ang sunod-sunod na text nila Bom. Oo, masakit.. pero kailangan eh.

Tulad ng dati, hindi ko na rin binubuksan ang TV, radyo, o tumingin sa dyaryo. Babalik na ako sa dati – yung ako na walang alam at walang pakialam sa mundo ng mga idols.

Lumabas na ako mula sa bahay at naglakad papunta sa restaurant.

Alam nyo yung pakiramdam na biglang tumaas ang mga balahibo mo dahil parang may nakatitig sayo? Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko na ito pinansin.

Bakit? Dahil sanay na ako. Hindi naman basta-basta nawawala ang issue eh. Tuwing dadaan ako, may lalapit sa akin para humingi ng autograph, at may iba naman na sasamaan ako ng tingin at pagsasalitaan ng masama.

Kaya eto, hindi ko na pinansin na may nakatingin sa akin.. kahit na ramdam ko na iba ito sa mga tingin na natatanggap ko.

Pumasok na ako sa loob ng restaurant at agad akong sinalubong ng manager. Bakit daw late ako, ang bagal ko daw lagi, chu chu chu bla bla bla. Tiningnan ko ang oras, sakto lang naman ang dating ko ah. 9AM sharp. Pektusan ko 'to eh =_____=

Nagsimula na akong mag-trabaho at mag-serve ng customers.

Unofficially His Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon