Sooooorry for the long wait. As usual, computer shop. Pero malapit na daw kami magka-connection. Maybe next week or the week after that pero basta, magkakameron na ulit kami! *U*
* * * * * * * *
[3RD]
SM Entertainment Building.
One of the top three known music industries in South Korea – SM, YG, & JYP.
With shaking legs, pumasok na si Dara sa loob ng SM building.
“It's now or never.” sabi niya sa sarili niya at inikot ang paningin sa loob.
Ang laki. Mas malaki siya ng kauntian sa YG building at hindi rin maipagkakaila na madami silang mga promising artists. Ang mga tarpaulin na nakita niyang naka-display sa lobby ay Super Junior, SHINee, F(x), EXO, BoA, at ang tinitigan niya – ang tarpaulin ng Girls' Generation.
Pumunta siya sa information section. “Umh, excuse me, pwedeng malaman kung saan ang dorm ng SNSD?”
Nagulat ang babae, hindi dahil sa tinatanong niya ang dorm ng SNSD, kundi dahil nandito siya. Siya. Si Sandara Park. Ang naturingang 'Goddess of Natural Beauty' sa mga idols.
Nakadating si Dara sa 3rd floor ng building kung saan nandoon ang mga dorm.
Tiningnan niya isa-isa ang mga pintong madadaanan niya, hoping na makita agad niya ang sign ng SNSD.
Dahil na rin siguro sa hindi diretso ang tingin niya, hindi namalayan ni Dara na may nabangga siyang isang matangkad na lalaki at nabitawan nito ang kanyang mga dalang inumin na nasa loob ng isang plastic bag.
“Yah--”
“Mianhe.” agad na nag-bow si Dara at tiningnan ang matangkad na lalaki.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki at nag-gasp. Hinawakan niya ang balikat ng kasama niya at niyugyog ito habang nakatitig pa rin kay Dara.
“K-K-Kai... kurutin mo 'ko. Suntukin mo ko. S-si Dara noona ba talaga 'to? Patay na ba ako?” dire-diretso niyang sabi habang patuloy pa rin ang pagyugyog kay Kai at ang pagtitig kay Dara.
Napailing naman si Kai at nag-'tsk'. Tiningnan niya si Dara at ngumiti, “Noona, mianhe. Ako nga pala si Kai, at ito namang mukhang tangang kasama ko ay si Chanyeol. Uhh.. your ultimate fanboy nga pala.” sabi niya habang diring-diring nakatingin kay Chanyeol na para pa ring nakakita ng isang dyosa, “We're from EXO.”
BINABASA MO ANG
Unofficially His
FanfictionIn just a second, I became G-Dragon's girlfriend. Well.. unofficially that is. [Just for the ship. No bashing pls] [Warning: lots & lots of pagka-Jeje and Koreaboo]