22 Allergic

127 7 5
                                    

"Tama nga ang hinala ko. Kinausap mo sya. Sinaktan ka ba nya ulit? Ano ang nagpag-usapan nyo, Your Highness?" tanong ni Farra habang sinusuot ko ang aking sapatos.

We're already late at nasabihan na naman ni Farra si Marynette na late kami papasok.

Hindi ko pa rin kinakausap si Luthor pati na ang tatlo. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nila.

I know it's for me but it's bad.

"Hindi nya ako sinaktan and yes we talked."

"Tinanong mo ba sya kung bakit sya nandito?"

Tumango ako at kinuha ang isang tinapay na inihanda ni Marynette. Dalawa ang nasa plato. Ang isa ay para kay Farra at isa ay para sa akin.

It's my favorite strawberry jam. May peanut butter ito pero mas napadami siguro ang lagay nya ng jam kaya mas lasa ito.

"Uncle and Feliz wants to steal the crown. Uncle thought that I am already dead. Feliz and her Dad is still believing that they are the right ruler and heir of Nethelor." pagkwento ko sa nangyari.

Kinuha naman nya ang tinapay at kinagatan. Napakunot pa ang noo bago kumagat ulit pero umiling nalang sya.

"Hindi ba nya inaral ang nangyari noon? Sa tingin ko naman ay alam nya na nag-adik ang lolo nya kaya hindi ito ang pinili na maging tagapagmana. Akala ko talaga ay magbabago pa sya pero mukang hindi na." may bahid na lungkot sa boses nya.

Sabay kaming lumabas ng dorm at nanatili lamang doon habang pinagmamasdan ang katabing pinto.

"Hindi ko hahayaan na maagaw nya ang korona na dapat sa iyo. Kaibigan kita at naging kaibigan ko sya pero sa tama ako kakampi." seryosong sabi nya habang nakatitig sa pinto bago muling kagatan ang tinapay.

Tumalikod na kami para pumunta sa elevator pero sabay kaming natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto sa katabing dorm.

Nilingon namin ito at pare parehas kaming nagulat nang makita ang isa't isa. It's Feliz.

Inilipat nya ang tingin sa katabi ko at nakita ko kung paano lumambot ang mga mata nya habang nakatingin kay Farra.

"Farra...is t-that you?" mahinang tanong nya.

"Oo ako nga. Gulat ka? Nagulat ako nang makita ka pero hindi na ako nagulat na ganyan pa rin ang ugali mo. Ugaling basura." namumula na ang muka nya dahil na siguro sa galit.

Napaiwas naman ng tingin si Feliz. "I'm sorry and it's nice to see you again."

Alam kong seryoso ang sinabi nya at alam kong totoo din iyon. Tulad ng sinabi ko, sila ni Farra ang mas close. Parang kambal na hindi maipaghiwalay.

Umubo si Farra bago umirap. "I-I'm not happy to see-" natigil sya at nagpatuloy sa pag-ubo habang nakahawak sa leeg kaya nagpanic na ako.

"Farra! Farra what's wrong?" nilapitan ko sya at hinawakan.

Nabitawan na nya ang tinapay na hawak bago napaupo at pilit na kumukuha ng hangin.

I'm panicking right now. I don't know what to do!

"Farra what's wrong?" naiiyak na tanong ko.

Agad na pinulot ni Feliz ang tinapay at pinaghiwalay iyon para makita ang loob at doon na nanlaki ang mga mata ko.

"Peanut butter." sabay na sabi namin.

Farra is allergic to peanut!

Kaya siguro ay nagtaka sya sa naging lasa kanina at kaya siguro hindi ko malasahan ang peanut sa tinapay ko. Nagkapalit kami!

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now