54 Family Bonding

145 7 4
                                    

WARNING: SPG

"Do we really have to do this, Mommy?" pang ilang beses na tanong sa'kin ni Saij habang nakasampa sya sa maliit na upuan at tinutulungan akong ilagay ang mga pagkain sa loob ng basket.

"Why, Saij? Ayaw mo ba, anak?"

Inaya kasi kami ni Luthor para magpicnic sa labas at magpunta na rin sa ibang lugar. Family day.

"It's not that, Mommy..."

"Then what, baby? Can you tell Mommy why are you asking the same question for so many times now?"

Iniwan ko sya saglit para kuhanin ang cookies na nasa oven pa. Inilagay ko iyon sa lalagyan at inabot sa'kanya. Sya na mismo ang nagpasok sa loob ng picnic basket.

"It's okay for me that we're having a picnic but why he's coming with us?"

Ibinaba ko ang hawak ko at tiningnan sya. "Saij, who is he again?"

Nag-aalinlangan pa syang sumagot. "My Daddy.."

"That's right, your Daddy. He's a family, right? That's why he's coming with us." isinarado ko na ang basket at lumabas na ng kitchen.

"I want Pablo to come, Mommy. Also, Aunt Farra and Aunt Feliz." nakabuntot nyang sabi sa akin.

Ayaw nya kasing magkaroon ng solo time kasama ang Daddy nya pero hindi ko iyon papayagan. Kailangan nyang masanay na andyan si Luthor.

"Saij, this is our family bonding. They're family too. But this time, only us, okay?"

"But Mommy -"

"No buts. Watch your words when you're with your Dad. I don't want to hear a hurtful word from you." matigas na sabi ko sa'kanya.

I'm a sweet Mom but also a strict and fierce Mom. I can't be just a sweet Mother always. He needs to understand something and I'll make him understand it.

"Yes, Mommy."

Lumabas na kami at inabot ko kay Luthor ang picnic basket. "You guys ready?"

"Let's go." hinalikan ko sya sa pisnge at sumakay na sa loob ng kotse.

Inalalayan nya naman si Saij papasok at narinig ko pa ang munting thank you ng anak namin.

Hindi dapat kami nagsasama sa iisang kotse pero minabuti naming magsama kahit ngayon lang. Sinigurado naman ni Luthor na safe kami at maraming guards ang nakasunod.

"What do you want to do after our picnic, Saij?" Luthor asked our son.

"Anything."

"How about shopping?" tanong ni Luthor at tumango nalang si Saij.

Nawala siguro sa mood dahil pinagsabihan ko kanina.

"Did something happened?" tanong ni Luthor na ikinagulat ko.

Akala ko kasi ay sanay na sya sa mood ni Saij pero ngayon ay alam nyang may nangyari kaya ganyan kumilos ang anak nya.

"Pinagsabihan ko lang. Nothing big."

Mula sa manibela ay napunta ang isang kamay nya sa ibabaw ng kamay ko. Pinisil nya iyon. "It's okay. Be easy on him. He's our son." mahinang sabi nya para hindi marinig ni Saij.

"Ayun na nga. He's our son. Mine and yours. He needs to understand that you're part of this family and you'll be forever be with us." may pagkainis na sabi ko.

Kasalanan ko din naman pero ginagawa ko naman ang lahat para maiayos e. It's just not enough.

"He called me Daddy. That's what he calls me now but it doesn't mean that he's comfortable with me around him all the time that fast. Understand him."

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now