19 Impostor

137 8 5
                                    

"Balita ko may bagong student?" ngumunguyang sabi ni Francis habang papunta kami sa classroom.

New student? Pero ilang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang school year dito.

"Ofcourse may balita ka na naman. Chismoso ka kasi." umiiling na sabi ni Vicky.

"Hindi ako chismoso. Bakit ba ang sungit mo na naman? May dalaw ka? Kadiri!" lumayo pa sya at nagspray ng alcohol sa direksyon ni Vicky kaya naubo ito.

"Pweh! Ano ba! Gusto mo bang ipahid ko sa'yo?!" inis na sigaw nya.

"Meron nga syang dalaw." mahinang sabi ni Marynette.

"Ew! Ang baboy mo talaga! Oink oink!" nagawa pang mang-asar ni Francis.

Biglang sumulpot si Charlie na may lollipop na naman sa bibig. "Tigilan nyo na nga. May bago ba talagang student?"

Lumayo si Francis at tinuro si Charlie nang paulit ulit. "Ayan ang chismoso! Hindi ako." sabi nya kay Vicky bago nilingon muli si Charlie. "Oo meron daw. Sa atin yata mapupunta kasi mayaman. Nakapasok pa dito sa school kahit late na kaya malamang sa alamang mayaman 'yon."

Posible pala 'yon? Lalo na kung mayaman. What a special treatment.

"Babae o lalaki?" curious na tanong ni Farra.

"Ewan ko. Ang chismosa mo rin ano?"

Nainis naman si Farra at halatang nagpipigil kaya nauna na sya maglakad at tinawanan naman sya ni Francis.

Hindi talaga mabubuo ang araw ni Francis kung wala syang naiinis.

Nang makapasok na kami sa loob ng classroom ay halos nasa isang sulok ang mga students at nag-uusap.

"May bagong student daw na papasok ngayon."

"Talaga? Babae o lalaki?"

Umupo na ako sa upuan at hindi na sana papansinin ang mga naririnig pero nakuha nila ang atensyon ko lalo na sa sinabi ng babae.

"Babae! May nakasalubong ako kanina sa may office. Ginger hair din. Akala ko nga si Eliza kaso hindi pala. Green din ang mga mata nya."

Napatingin sa akin sina Marynette pero nagkibit balikat nalang. Si Farra naman ay parang may malalim na iniisip kaya hindi ko na sya tinanong pa.

Maybe it's just a coincidence? Baka sa Nethelor sya nagmula? O kaya naman malayong kamag-anak ng...no it can't be. Wala na kaming mga kamag-anak at kung meroon man ay siguro far descendants pa mula sa mga ninuno.

"Don't worry, Elly. Mas maganda pa rin ang buhok at mga mata mo." nakangiting sabi ni Vicky sa akin nang makitang nakatulala ako.

Tumango nalang ako at ngumiti bago itinuon ang atensyon sa unahan para intayin ang professor at ang bagong student.

Hindi nagtagal ay dumating na ang prof.

"Go back to your seats, everyone."

Agad naman nagsitakbuhan ang mga students pabalik sa kanilang mga upuan habang pilit na sumisilip sa labas.

"We have a new student and I want you all to treat her very well, alright? Come in, Your Highness."

Your Highness? It's a Princess?

"Your Highness?"

"Prinsesa? Ang shala."

"Another royal."

"Prinsesa pala. Saang bansa kaya nagmula?"

Natigil ang bulungan nang may pumasok na babae na nagpatigil sa paghinga ko.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now