05 Letter

225 11 19
                                    

WARNING: mention of suicide (no one committed suicide so don't worry)

"Ano yung binabasa nila sa phone?"

Kahit ako ay nagtataka na dahil halos lahat ng nadaanan namin kanina ay nakatingin sa cellphone nila. Pati narin ngayon na nasa loob kami ng classroom ay nakatingin ang iba sa phone nila.

"Narinig ko kanina na trending raw iyon. Binalita rin daw sa TV." sabi ni Francis habang nakaupo sya paharap sa amin.

Dahil katatapos lang ng first subject namin ngayon ay nandito sila sa tabi namin at nakapalibot.

Francis is sitting on a chair at paharap syang nakaupo sa sandalan ng upuan. Charlie, as usual, ay may lollipop na nakasubo sa bibig habang nagbubuklat ng libro. Si Luthor naman ay may headphone sa tenga at nakapikit.

Wala kami sa classroom namin dahil may inaayos doon kaya pinalipat muna kami sa temporary room. Malinis naman at okay kaya walang problema.

Sa ilang araw kong stay rito ay isa lang ang masasabi ko ngayon sa sarili ko; I can't be close to them or attached because I'm lying to them and I will soon leave.

All of this are just temporary.

My freedom. My friends. My happiness.

"Chismosa ka talaga," agad na sabi ni Vicky habang pinupuyod ang buhok.

"Narinig nga lang e! Accidentally! Oh panis, ingles 'yon."

"Dami mong alam."

"Thank you!"

"Aba-" bago pa humaba ang usapan o away ng dalawa ay pinigilan na sila ni Marynette.

Kung hindi pa kasi pipigilan ang dalawa ay hindi talaga sila titigil.

"Please lang, guys, manahimik muna kayo. Naririndi na ako."

"Ikaw kasi!"

"Anong ako? Nanisi ka pa!"

Napailing nalang ako at balak sanang magbasa nalang ng libro nang marinig ang sinasabi ng mga kaklase.

"Buhay naman pala!"

"Bakit ngayon lang nagparamdam?"

"Oo nga! Pati nga sina mommy ay inaabangan sya, kasi naman akala patay na dahil wala namang paramdam."

"But look at her letter. She sounds so mature and responsible."

"Oo nga e. Maganda kaya sya?"

"Wala namang panget na Prinsesa tyaka ang ganda nya nung bata! Kamuka nga nya si Eliza e..." napatingin pa sila sa akin kaya napayuko ako at nagkunwari na may inaayos.

Nasulyapan ko naman si Farra na nagtatanong ang tingin.

I think I already know kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Ano ba 'yan?" Vicky asked them out of curiosity.

"Ay hindi nyo pa nababasa?"

"Kaya nga nagtatanong kasi hindi namin alam."

Mukang napahiya pa sila sa sinabi ni Vicky kaya napayuko sila pero sumagot rin naman. "Yung Prinsesa ng Nethelor ay may sinulat na letter. Basahin nyo, kalat na rin naman sa social media."

I'm right.

Nakita kong kinuha ni Marynette ang phone nya at nagtype doon. Si Farra naman ay nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat sa narinig. I didn't tell her pala.

Kinabahan naman ako nang makita si Charlie na nakatingin sa akin pero ngumiti lang sya at kinagat ang lollipop. Gising na si Luthor at wala na yung headphone sa tenga nya.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now