30 Nethelor

109 7 2
                                    

Today is the day that we will go to Nethelor for our trip and Farra is really really nervous.

"Farra, it's just a dream. Don't worry okay? Everything will be just fine." I said to her while I'm packing my clothes. It's still so early because we need to leave and land to Nethelor by 6 am.

"Panaginip nga lang pero nag-aalala pa rin ako. Paano kung magkatotoo? Tapos sabi pa ni Feliz na balak ng Daddy nya na pumunta sa Palasyo. Paano kung magkita kayo? Edi nabuking ka." tuloy tuloy na sabi nya at kinuha sakin ang damit na ilalagay ko sa bag.

"What are you doing?" I asked her while she's getting my things out of my bag.

"Inaalis yung mga gamit mo. Sabihin nalang natin sa kanila na masama pakiramdam mo. Wag na tayo sumama."

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay nya. "Farra, everything will be fine. Nakaplano na ang lahat. Hindi tayo pwedeng umatras nalang."

Hinigpitan nya ang hawak nya sakin at umiling. "May ilang minuto pa tayo para umatras, Your Highness."

"Hindi tayo aatras, Farra." sabi ko sakanya at ipinasok sa bag ang mga gamit. "We will go to Nethelor. That's final."

May sasabihin pa sana sya pero kumatok na si Marynette at pinalabas na kami.

"Victoria, hindi tayo magtatagal sa Nethelor. Bakit dalawang maleta ang dala mo?" kunot noong tanong ni Luthor sa pinsan nya bago lumapit sa akin at humalik.

Nakanguso ngayon si Vicky habang hawak ang dalawang malaking maleta. Natawa naman ako dahil sigurado akong punong puno iyon ng iba't ibang damit.

"I can't just go to Nethelor with one outfit! Magpapalit ako bawat lugar na pupuntahan natin."

"Wala naman maiaambag yang mga damit mo. Pangit ka pa rin." sabi naman ni Francis habang kumakain ng muffin.

"Anong sabi mo?"

"Kahit gaano kaganda yang damit mo, pangit ka pa rin!"

Susugudin na sana ni Vicky si Francis pero agad naman nahigit ni Luthor ang kwelyo ng damit nito kaya hindi sya makalapit kay Francis na patuloy na nang-aasar.

"Tigilan nyo na iyan. Aalis na tayo maya maya." sambit ni Charlie na kanina pa may kausap sa telepono para sa sasakyan namin.

"Isang maleta lang ang dadalhin mo, Victoria." labag sa loob na sabi ni Luthor.

"Argh! Fine!" tinitigan pa nya ang dalawang maleta at mukang iniisip kung alin ang dadalhin nya.

"Ah basta hindi ako magbibitbit ng maleta mo. Ang arte mo." reklamo ni Francis.

"Good morning, miss." bati ng flight attendant pagkaakyat ko.

Ngumiti naman ako at binati sya bago ko nilingon si Francis na nagrereklamo habang binubuhat paakyat ang maleta ni Vicky.

Sa mismong tapat ng private airplane kami ibinaba kaya kami rin ang mag-aakyat ng gamit. Meron namang crew pero ayaw ni Vicky ipahawak sa iba dahil baka raw magasgasan ang maleta nya.

"Ang bigat naman nito. May ginto ka bang dala, Victoria?" inis na sabi nito habang maingat na buhat ang maleta.

"Wag ka na nga magreklamo dyan! Buhatin mo na paakyat at dahan dahan lang. Pag iyan nagkaroon ng tiny gasgas, muka mo ang gagasgasan ko, Francis." maarteng sabi ni Vicky na nakasuot ng glasses at tanging shoulder bag lang ang bitbit.

"Mauna ka na umakyat. Ako na bahala dito."

"No! Baka mamaya hindi mo ingatan. Wala akong tiwala sa'yo."

Napailing nalang ako at hinanap na sina Luthor. Nakaupo na ang lahat pero wala si Luthor. Where is he?

"Your Prince is talking to the crew." sabi ni Charlie kaya ngumiti ako at umupo nalang.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now