38 Speech

124 7 2
                                    

Days had passed. Wala kaming ginawa kundi ang kumain, matulog at magkwentuhan. Hindi pa rin kami kinakausap ng iba.

Nakausap na ako ni Charlie and Marynette. Charlie and I are okay while Marynette, I think she's just being kind to me.

Hindi naman natigil si Feliz at Vicky sa pag aaway. Minsan pa nga ay nakikisali na sa away si Francis.

"Just send a helicopter that will bring us home to Nethelor. Make it fast." I dropped the call and looked at the two who doesn't have an idea that we're going home already.

Ang alam lang nila ay uuwi na kami mamayang gabi o bukas ng umaga. It's our last day here and I can't stay here anymore. Mas nasasaktan lang ako.

Nilapitan ko ang dalawa at nginitian sila. "Let's get our things."

Nagtaka naman si Feliz sa sinabi ko. "Huh? Maaga pa, Elly. Hindi pa nga lunch time."

"We're going home. The helicopter is on its way here. To get us home."

Nagkatinginan sila bago tumango at pumasok sa loob ng bahay. Papasok na sana ako nang magtama ang tingin namin ni Vicky. Hindi ko na sya pinansin at pumasok nalang sa loob. I know she heard our conversation just now.

Inayos namin ang mga gamit namin at ibinaba na iyon. Natigilan pa kami nang makita ang isang babae na papasok sa bahay.

"Mama." tawag ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at sinalubong ako ng yakap. Pagkabitiw nya sa yakap ay nangunot ang noo nya nang makita ang mga gamit namin. "What's going on? Sabay sabay kayong aalis dito bukas."

Hindi ko sinagot ang tanong nya at ako naman ang nagtanong sa kanya. "Why did you do this?"

"Did what?"

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin. They're all here.

"I know na planado mo ito, Mama. Bakit mo ito ginawa? Bakit mo kami ikinulong dito sa isla?"

Ngumiti sya at parang wala na syang choice kundi ang sabihin sa amin ang dahilan.

"I just did someone a favor at sang ayon rin naman ako."

A favor?

"Who? And what favor?"

Hinawakan nya ang kamay ko at binigyan ako ng isang ngiti. "Your parents. They told me that they don't want to see you like a sad flower. Gusto nilang magkaroon ng closure sa pagitan mo at nila Vicky. But then I guess it didn't work well." sinulyapan nya ang anak nya at ang mga kaibigan nito.

"My parents? They are part of this?"

Tumango sya. "Oo, Eliza, parte sila sa planong ito. We just want you and your friends to be okay. Inaasahan namin na magkakaayos kayo at magkakaintindihan pero hindi nangyari."

Umiwas ako ng tingin. "It's our problem, Mama. Labas kayo doon."

"I know and I'm sorry, anak." mahinang sabi nya.

Pare parehas kaming natigilan nang makarinig kami ng helicopter. It's here.

Binitiwan ko si Mama at nginitian sya. For the last time. "Thank you for everything, Mama. Thank you for treating me like your own daughter. Until we meet again." bumeso ako sa kanya at nagcurtsy.

Kahit ayoko gawin ay nilingon ko sila at nginitian. I want a proper goodbye. "I hope you will forgive me for what I did. I'm sorry and thank you for treating and loving me as your friend."

Hindi sila nagsalita kaya nilingon ko ang dalawa at lumabas na kami. Sumakay kami sa helicopter at umadar din ito agad.

Hindi sila makalapit dahil hinahangin ang buhangin pero nakita ko sila sa terrace at nakatingin sa helicopter na papaalis.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now