53 Daddy

177 6 6
                                    

"Are you ready?" Luthor asked me while fixing my hair.

Nasa harap na kami ng Aviataso Palace. Nandito kasi sila Vicky. Lahat sila. Kaya napagpasyahan na namin na magpunta na sa Aurthroe.

"Yeah. But I'm nervous." mas kinakabahan pa ako kesa sa anak ko.

Saij is calm. Super calm and I'm not.

Alam ko naman na tatanggapin nila ang anak namin ni Luthor at matutuwa pa sila pero ewan ko ba kung bakit kinakabahan pa rin ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala iyon sa bibig nya para halikan. "Don't be. I'm here. Are you ready, buddy?" tanong nya kay Saij na nakatingin lang sa amin at mukang naghihintay na sabihin naming pumasok na kami sa loob.

He's not wearing his wig and eye glasses or any of his disguise. I told him that it's not necessary.

Hindi na nya kailangan ang magsuot ng ganoon dahil ipapakilala na namin sya sa mga Aunts and Uncles nya.

"Yeah." he normally answered like it's nothing serious.

Well, he already met them so I guess he's not nervous at all.

Hawak ko si Saij sa kabila habang si Luthor naman ang sa kabila pa. Saij doesn't want to hold him kaya nasa gitna nila ako.

Pumasok kami at dumeretso sa second floor dahil naroon daw sila kasama si Mama at Arjun. Perfect.

"Your Daddy and I will go first, okay? We will call you if it's your turn to go in. Don't go anywhere, okay? Stay here and wait for us to call you." paliwanag ko sa anak ko at tumango naman sya.

Magkahawak kamay kami ni Luthor pagpasok sa loob at napatayo naman silang lahat habang nakatingin sa amin. Mukang nagulat sila na nandito kami. Hindi kasi kami nagsabi na pupunta kami.

"Yow! Akala ko nasa Nethelor ka pa? Miss mo ako?" nakangiting sabi ni Francis at tinapik sa likod si Luthor bago ako nilapitan at binati.

"You wish." masungit na sabi sa'kanya ni Luthor.

"I'm so glad you're here! It's been a while!" una akong niyakap ni Vicky.

Sumunod naman si Marynette na nakahawak pa sa malaki nyang tyan. "We were just talking to go and visit you in Nethelor! Where's Farra?" nakangusong sabi nya nang hindi makita si Farra.

"Farra's not here. She's with her fiancee." inaasikaso na kasi nila ang wedding nila.

Ngumuso naman sya at nataranta ako dahil umiiyak na sya. My gracious goodness!

Agad namang lumapit si Francis kay Marynette. Mukang normal na ito sa kanila.

"Pasensya ka na ha, Elly. Sobrang arte ng pagbubuntis nya. Babae kasi ang baby e." nakangiting sabi ni Francis habang pinapatahan si Marynette.

"Oh my. Really? Congratulations, Marynette! I'm so happy for you. It's a Princess!" nakangiting sabi ko at niyakap sya.

"Thank you." umiiyak na sabi nya kaya natawa ako.

Mukang isa si Farra sa pinaglilihian ng kaibigan namin.

"We'll make a Princess, too. Ilan ba ang gusto mo?" tanong ni Luthor na narinig naman nila.

Hindi na talaga sya nahiya! Sa harapan pa talaga ng mga kaibigan namin? At hindi ba nya alam na nandito rin ang kapatid at mama nya?

"Ako na ang sasagot. Dalawa!" nakangiting sabi ni Vicky at inasar pa kami.

"Bakit dalawa?" tanong naman ni Luthor na mukang interesado.

"Para sumakit ang ulo mo sa mga love life nila!" tumatawang sabi ni Vicky.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now