01 Eliza Stemfehld

334 12 17
                                    


"Shit."

Napalingon ako sa likod ng lalaking nakabangga sa akin at magsasalita na sana nang maunahan ako ni Farra.

"Pasensya na po, Your Highness." nag-curtsy pa sya bago ako hinila palayo hanggang sa hindi ko na makita yung lalaki.

"Your Highness?" I asked her.

"Siya ang Prinsipe ng bansang ito. Sinabi ko na sa'yo, Mahal na Prinsesa, kailangan nating umiwas sa gulo hangga't kaya natin." She scolded me but it's okay.

"Let's just go to the office then get our keys and everything then rest."

Tumango siya at naglakad papunta sa office ng Director. The Director wanted to welcome us.

Kumatok si Farra at kinausap siya ng isang lalaki bago kami pinapasok.

"You two are the new transfer, right?"

"Yes. Can we get our uniforms, keys and pin?"

"Ofcourse. Who's Farra Clavez?" The Director asked and Farra raised her hand. "So you are a middle class and from a rich family."

"Yes, sir."

"Eliza Stemfehld. Nice name."

"Thank you."

Inabot namin ang paperbag dahil doon nakalagay ang mga kailangan namin.

"Nandiyan na ang keycard niyo at nakalagay na dyaan kung saan ang dorm niyo."

"Do we have roomates or just the two of us?" I asked right away.

"There will be two other girls. Actually, you two will join them. Your schedule is in the bag but no worries, just go with the girls and you'll be fine."

"Thank you."

Just like what Farra said, malaki ang University na ito. May malaki ring fountain. Nasa gitna ang main building kung nasaan ang mga classroom habang nasa left side naman ang girl's dorm at sa right ang sa boys. May malaking black gate at nakasulat sa itaas ay ang pangalan ng University.

Aurthroe Main University.

"We're here, Your Highness." mahinang saad ni Farra nang huminto ang elevator sa 7th floor. Ito na ang dulong floor.

Naglakad kami habang bitbit naman ng dalawang lalaki ang mga gamit namin. Ang sabi ni Farra ay isa sila sa mga magbabantay sa akin.

Huminto kami sa isang pink na pintuan. Ito ang nag-iisang pintuan na kulay pink. Napansin ko rin na tatlong pintuan lamang sa bawa't floor. I hope na malawak ito.

"Mauna na kami, Princess."

"Salamat." tumango sila at iniwan sa tabi ang mga gamit namin at sabay na yumuko at umalis.

This is it, Eliza.

Hindi na kami nag-abalang kumatok dahil may keycard naman kami. Nang bumukas ang pinto ay ipinasok ni Farra ang mga gamit namin sa loob at sumunod ako.

Malawak. Kitang kita dito ang malaking sofa at sa likod ng sofa ay may lamesa at upuan na apat. Meroon ring gamit doon na pangluto kaya siguro ay iyon ang kusina. Sa tabi ng kusina ay may isang puting pintuan.

Ilang hakbang mula sa salas ay may apat na pintuan. Gold ang kulay nito. Ang pader naman ay puti lamang at napansin kong maraming nakasabit na paintings.

"Ehem."

Napalingon kami sa dalawang babae na nakaupo sa sofa at may hawak na popcorn. Ofcourse, I know that.

Tumayo ang isang babae at lumapit sa amin. She's gorgeous. Base sa pananamit niya ay talagang maarte siya sa mga gamit. Her hair is brown like her eyes. Maputi ito kaya mamula mula pa ang pisnge. Rosy lips rin sya at halos kasing tangkad ko lang rin.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now