34 Accident

125 7 4
                                    

Nagising ako nang may maramdamang nagpupunas sa kamay ko.

Dahan dahan akong nagmulat at inaninag ang taong nagpupunas ng kamay ko. Nagsasalita sya pero hindi ko iyon marinig pero alam kong pinapagalitan nya ako.

Ginalaw ko ang kamay kong hawak nya at unti unti syang tumingin sa akin. Nabitawan nya ang towel at tinitigan ako saglit bago lumabas habang tinatawag ang doctor.

I guess I'm in a hospital.

Why am I here? What happened?

Pumikit ako at pilit na inaalala ang nangyari.

Truck. . .

The truck. . .

Farra.

Where's Farra?

Sinubukan kong umupo pero napasigaw nalang ako sa sakit. Tiningnan ko ang isang braso ko at may cast iyon. Naipit nga pala iyon.

Ilang beses kong sinubukang umupo at nagawa ko naman. Unti unti kong ginalaw ang mga binti ko pero napapaiyak nalang ako sa sakit.

Dali daling pumasok ang mga doctor at nurses pero hindi ko na sya makita.

Where's Vicky?

Namalikmata lang ba ako?

"Your Highness, blink two times if you can hear me." the doctor asked me to do and I did blink two times.

Sinenyasan ng doctor na tanggalin ang oxygen mask ko para makapagsalita.

"How are you feeling?"

Imbes na sagutin ko iyon ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Where's my best friend? Where's Farra?"

Natahimik sila at nagkatinginan kaya nagsimula na akong kabahan.

"Where is she? Is she alright? How about the driver?" sunod sunod na tanong ko.

"Uh, the driver didn't make it. Dead on arrival."

Natulala ako at napaiyak. The driver didn't make it...

"Farra. Where is she? Is she okay? Can...can I see her? Bring me to her. Please." nagpapanic na sabi ko.

Please. I don't want to lose her, too.

Lumapit ang dalwang nurse para pakalmahin ako pero umiiling ako at tinataboy sila. "I need to see her! Where is she?!"

"Your Highness please calm-"

"Don't tell me what to do! I'm a Princess and you'll listen to me. Bring me to my best friend. Now!" sigaw ko sa kanila.

Wala na akong pakialam kung sumisigaw na ako. Gusto ko lang sya makita.

I want to see if she's okay.

Wala silang nagawa kundi ang isakay ako sa wheel chair at itulak patungo sa kung nasaan man sya.

Tumigil kami sa tapat ng bintana ng ICU. Mula doon ay sumilip ako at nanghina nang makita si Farra na nakahiga sa kama at may tubong nakakonekta sa kanya.

"W-What happened? Bakit may ganoon? Is she alright?" lumuluhang tanong ko sa nurse na kasama ko.

Nagdadalawang isip pa sya pero wala na nagawa. "Sobrang lakas ng pagkaumpog ng ulo nya sa bintana ng kotse. Dahil sa trauma na nagmula doon ay naapektuhan ang brain nya kaya comatose sya ngayon."

Coma . . .

"Comatose?" nanghihinang tanong ko.

Tumango sya. "Oo. Pero wag kang mag alala dahil ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para iligtas sya. Mabuti nga rin na nacoma lang sya dahil ang iba ay ilang minuto lang ay namamatay na. Maswerte sya. Wala ring nakitang internal bleeding kaya ayos na ayos sya."

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now