49 Friendship okay

124 5 6
                                    

Habang bumabati ako sa mga tao ay alam kong nakatingin sya sa akin kaya naman nang matapos kong kausapin ang isang professor ay dumeretso na ako sa kaniya.

Nakapamulsa sya at nakatitig sa akin. Huminto ako sa harap nya at kita ko ang masungit nyang muka. He's handsome wearing a black tuxedo.

"I thought you're busy? And you're late."

"A Queen is never late, Your Majesty." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Sure." lumingon sya sa tabi ko kung nasaan si Farra. "It's nice to see you Farra."

Nag curtsy si Farra at ngumiti. "Thank you, Your Majesty. Please excuse me." tumingin sya sa akin bago umalis. She's going to Saij.

Nauna akong naglakad at sumunod naman si Luthor. "I thought you're not going?"

Huminto ako sa isang waiter at kumuha ng isang wine. "Thank you." sambit ko at naglakad na ulit. "I changed my mind."

I mean, your son changed his mind.

"It's good that you changed your mind but why that kid is here?" masungit na sabi nya at itinuro si Saij na nakangiti habang pinagmamasdan ang iba't ibang mga kotse.

"May bibisitahin silang kakilala dito sa Aurthroe kaya isinama ko na rin." I lied.

"Is it okay for you to go straight to Aviataso Palace after here? We can't stay here."

Napaisip naman ako. Matagal ang byahe papuntang Aviataso at sigurado ako na madaling araw na kapag dumating kami doon gamit ang kotse.

"Don't worry we'll use a plane." sagot nya sa tanong ko sa isip.

"It's okay then." bakit nga ba hindi eroplano ang ginamit namin noon?

Tumango sya at nagpatuloy kami sa paglalakad. "What got you busy on the day I left Nethelor?" biglaang tanong nya.

"There's an urgent papers that I need to read and approve. I'm sorry and for not replying to your messages." I lied again.

"It's okay. How long are you gonna stay here?"

"One week. Gusto ko rin kasi mamasyal habang wala pa akong gagawin." sagot ko at nakitaan ko sya ng pagkatuwa.

Gusto mamasyal ng anak mo dito kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nya.

"That's good. Anyway, I know Mom is excited to see you and...  that boy. Ang bilis nyang napamahal sa batang iyon."

"Sino ba naman kasi ang hindi mapapamahal kay Saij?" nakangiting tanong ko pero nakasimangot naman sya.

"Hindi nga ako napapamahal sa batang iyan. Paano ako mapapamahal sa kaniya kung wala syang ginawa kundi ang inisin ako? He's different."

Tinawanan ko ang sinabi nya at napailing nalang. Minsan ay napapaisip ako kung may nararamdaman ba si Luthor tungkol kay Saij? Lukso ng dugo?

Pero paano ba nya iyon mararamdaman kung palagi naman silang nagtatalo at hindi magkasundo ng anak nya.

"We should create our own. Iyong hindi maattitude, suplado, pasaway at mayabang."

Ganyan ba talaga si Saij? Kung ganoon talaga si Saij ay kasalanan iyon ni Luthor. Sa kaniya ito nagmana.

Inirapan ko sya at ibinigay sa kaniya ang basong hawak ko. "Gumawa ka ng sa iyo." nilagpasan ko sya at naglakad palayo hanggang sa nakita ko si Charlie sa isang sulok.

"What are you doing here alone?" nilibot ko ang paningin ko at hindi ko makita sina Vicky.

"Ang ingay nila at naririndi na ako. I want peace." seryosong sabi nya na tinawanan ko naman.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now