42 Long live the Queen

136 8 4
                                    

"I, Eliza Margaret Taylor Kendsor, promising to protect the crown, this country and its people. From this day, I shall devote my life to the crown. Oh Lord please guide me." sabi ko habang nakaluhod ako at ang mga tao ay nakatayo habang pinapanood ako.

"Oh Lord please guide her." sabay sabay na tugon nila.

Lumapit ang pari at humarap sa akin habang hawak ang korona.

"By the power vest in me, I pronounce you the new monarch of Nethelor." dahan dahan nyang inilagay sa ulo ko ang korona.

Kasabay ng paglapat ng korona sa akin ay naramdaman ko ang paglapat ng malalaking responsibilidad.

Inalalayan ako ng pari na makatayo at makaupo sa gintong upuan. "We have a new Queen! Queen Eliza!"

Lahat sila ay nagcurtsy at bow bago lumuhod bilang paggalang sa bagong reyna. . .sa akin.

"Long live the Queen!"

"Long live the Queen!"

"Long live the Queen!"

This is the end of my Life as a Princess.

This is the start of my Life as a Queen.

"The first woman to be a Queen without a husband. You broke the law, Your Majesty." nakangiting bungad ni Feliz pagkapasok ko ng Palasyo ng Nethelor.

Katatapos lamang ng parade at pagod na pagod na ako. Sobrang daming tao. Punong puno ang bawat kalsada.

"Buti nakadalo ka? Hindi ka ba busy sa pamilya mo?" nakangiti ko syang niyakap.

"Hindi ako papayag na hindi ako makakapunta. Well, umiyak yung anak ko pero napatahan naman ng asawa ko."

"Where's my son?" mahinang tanong ko sa kanya dahil baka may makarinig sa amin.

We're not in Kensa Palace at may mga royal dito na darating para sa isang party. May mga umattend na royals at dito sila dederetso para sa isang celebration kaya naman kailangan din umalis ni Saij dito at bumalik ng Kensa.

"Nasa loob ng private room."

"Mommy!" sigaw ni Saij pagkapasok namin ng kwarto. Agad naman syang lumapit at yayakap na sana pero tumigil sya at yumuko sa akin bilang paggalang.

"You're so cute, my love." niyakap ko sya at hinalikan sa pisnge. "Did you watched mommy earlier?"

Tumango naman sya at nagpabuhat sa akin na agad ko namang ginawa. "Yes, mommy. Wow this is awesome." sabi nya habang nakatingin sa koronang suot suot ko pa.

Pumunta ako sa sofa at umupo doon habang kalong sya. Medyo nahirapan pa nga ako dahil nakasuot pa ako ng coronation gown.

"Saij, now that mommy is a Queen, can I ask you a question? It's okay if you don't answer it." dahan dahan kong sabi at kita kong nakaabang rin ang dalawa.

"Okay, mommy."

"Do you want to be a King someday? Like your grandpa?" deretsong tanong ko.

Tiningnan naman nya ako na para bang nag iisip pa sya ng isasagot. "I'm gonna lead this country?"

"Yes, baby. Do you see yourself as a King?"

Ngayon palang ay gusto ko na malaman ang sagot nya. I know na darating din ang araw na ipapakilala ko sya sa lahat at gusto kong malaman na nya kung ano ang inaasahan ng mga tao na mangyayari sa kanya sa hinaharap.

"I. . .I don't see it. I'm still young for that, mommy."

Tiningnan ko sina Farra at Feliz na nalungkot sa sinabi ng anak ko. Hindi sila nalungkot dahil sa sinabi nitong hindi nya nakikita pero nalungkot sila dahil tama sya na bata palang sya para sa ganoong posisyon.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now