39 Royalties

123 7 0
                                    

"Eliza! Kanina ka pa namin hinahanap!"

Natigil ako sa pagtingin sa malaking painting ng Great Queen namin dahil sa sigaw ni Feliz.

Tumakbo silang dalawa palapit sa akin at hinihingal pa.

Nandito kami sa Kensa Palace. Dapat ay tatlong araw lamang kami dito ngunit naisipan kong manatili nalang dito hanggang bukas.

Tomorrow is my birthday. Maraming tao ang inaabangan ang aking kaarawan dahil hindi lamang ako magcecelebrate ng birthday ngunit pati na rin ang unang araw ng pagiging Crown Princess ko.

"Padating na ang mga royal family galing sa iba't ibang bansa. Kailangan mo na magmadali. Nasa labas ang mga magulang mo at doon hinihintay ang mga darating." mahabang sabi ni Farra.

Dito kasi tutuloy ang mga royalties na galing pa sa malalayong bansa. Dito sila mananatili hanggang sa matapos ang banquet o kaya naman ay sa isang araw na sila aalis dito.

Ayun rin ang dahilan kung bakit maramingmga royal guards at mga sundalo ang nakapalibot sa Palasyo dahil maraming mga royalties ang darating.

Nagmadali akong maglakad at sumunod naman sila. Inaayos ni Farra ang aking suot na dress habang si Feliz naman ay nasa likod ko at inaayos ang medyo kulot kong buhok.

Halos tumakbo na kami nang makarinig kami ng mga sasakyang papalapit. Nakita ko sa labas ng pinto ang mga magulang ko. Nag aantay sila sa may hagdanan. Iba ang Palasyo na ito sa main Palace. Ito kasi ay may malaking hagdanan papunta sa malaking pinto ng Palasyo.

Agad akong tumabi kay Mother pero pinalipat nya ako sa tabi ni Father na iniintay ako.

I forgot. I always need to stay and stand beside my Father.

Nakangiti kami habang sunod sunod na dumarating ang mga panauhin. Sinasalubong namin sila at binabati at pagkatapos ay tatawag kami ng mga staff and maids na dadalhin sila sa mga silid.

We stood there for hours. Waiting and smiling. It is tiring, yes, but it is our duty because they are our guests. My guests to be exact.

"They're here!" Mother excitedly said.

"Is that the last one?" pagod na tanong ko sa kanilang dalawa at rinig ko pa na mahina silang natawa.

"Yes, Eliza. That is the last one."

"Finally." at dahil last na iyon ay mas ginandahan ko pa ang aking ngiti.

A four members of the royal family of Nemorchia.

Well, they are quite best of friends. That is why Mother is so excited to meet them.

Kinamayan nila ang mga magulang ko bago ako tingnan. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ng Hari bago nakipagbeso at nagcurtsy. Ganoon rin ang ginawa ko sa Reyna. It's a thing that must do to pay respect to the other kingdom or monarch.

Beso at curtsy sa mga Hari at Reyna at beso lang kapag kapwa Prinsipe o Prinsesa. Pero kapag lalaki sa lalaki ay kamayan ang kanilang ginagawa.

Nakipagbeso naman ako sa Prinsipe at Prinsesa. Our parents are talking and we started a conversation, too.

"I'm Princess Kristal and this is my older brother, Prince Saimon. It is really a pleasure to meet you, Princess Eliza." nakangiti at bibong sabi ng Prinsesa at nagcurtsy pa.

I already like her.

"Are you ready for tomorrow, Princess?" Prince Saimon asked me.

"I should be." sagot ko at natawa naman sya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. It's just a yes or no, Princess." may mapang asar na ngiti sa labi nya.

"I'm just nervous." sagot ko at sumunod kina Father na papasok na sa loob.

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now