40 Prince of Nethelor and Aurthroe

139 6 8
                                    

Sobrang pagod ako at gusto pa matulog pero eto ako ngayon sa cr at sumusuka. Kanina pa ako dito at naiiyak na dahil ang sakit na ng lalamunan ko. It's so early in the morning. Hindi pa umaangat ang araw.

I think this is because of what I ate yesterday.

Tumawag ako ng maid at nagpakuha ng mainit na gatas. Ininom ko iyon at dinalaw din naman ako ng antok.

"Napasarap ang tulog mo. Nakaalis na ang mga bisita at bumalik na sa mga bansa nila." sabi ni Farra nang makalabas ako ng banyo at katatapos lang magpatuyo ng buhok.

Tanghali na at kani kanina lamang ako nagising.

"Dapat ay ginising nyo ako." hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila.

"Hindi ka na nila pinagising dahil sigurado ay pagod ka." kumagat si Feliz ng mansanas at binalik ang tingin sa'kin. "Oo nga pala. Sabi ng isang maid ay nagising ka daw kaninang madaling araw. Bakit?"

Umupo ako sa sofa at kumuha ng prutas. Bigla ako nawalan ng gana kumain. "Sumama kasi pakiramdam ko at nagsuka."

Umirap sakin si Feliz at binato ako ng ubas. "Bakit naman kasi ganon ang kinain mo."

"I don't know, okay? Pero masarap naman yung kinain ko e. Tyaka puro tubig lang naman ang isinuka ko kanina." nakangusong sabi ko bago kumain ng prutas.

"Sa susunod kasi ay wag ka na kakain ng kung ano ano." sabi ni Farra.

"Okay okay." tumatangong sabi ko at napalingon sa pinto dahil papalapit si Secretary Laxcon.

"Good afternoon Your Highness, ipinapatawag ka ng Hari at Reyna. Nasa garden sila."

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong nahilo at napahawak sa sofa.

"Eliza!" huling narinig ko bago nandilim ang paningin ko.

May naririnig akong mga nagsasalita sa paligid ko pero hindi ko muna inimulat ang mga mata ko dahil ramdam ko ang sakit ng ulo.

Naririnig ko ang boses ni Mother at Father na para bang nagtatalo kaya naman nagmulat na ako. Nasa kwarto pa rin ako. My parents are here, Farra and Feliz, too. Meroon din doctor at nurses.

"Eliza? You're awake." unang lumapit sa akin si Father at tinulungan akong makaupo.

"What happened?" nakahawak pa ako sa ulo nang itanong iyon.

Walang nagsalita kaya tiningnan ko ang dalawa na namumula pa ang mga mata.

Bakit sila umiyak?

"What happened?" tanong ko ulit.

Lumapit si Mother na namumula pa ang mga mata. Hinawakan nya ang kamay ko. "Wag kang magugulat sa sasabihin ko, okay?"

Kahit nalilito ako ay tumango ako.

"Eliza, you're pregnant."

Natigilan ako sa sinabi ni Mother. What? I'm what?

I'm pregnant?

"You're  3 months pregnant, Your Highness. Hindi lamang halata for some reason pero I know changes will start to show.." sabi ng doctor.

Nilingon ko si Farra dahil hindi ako makapaniwala pero tumango sya sa'kin.

I'm pregnant.

Naluha ako at hinawakan ang tyan ko.

I'm pregnant with Luthor's child. I'm carrying his child.

But how is that possible?

Nilingon ko si Mother dahil hindi pa din ako makapaniwala. "But I got a shot, right?"

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now