43 Hate him

133 7 4
                                    

4 months after the bad news from Aurthroe, we received another news but this is a good news.

It's march now and it's Luthor's coronation. I want to attend but I can't.

Madami kasi akong inaasikaso at ngayong araw ng coronation ni Luthor ay nakapangako naman ako kay Saij na magbebake kami ng cookies.

"So hindi ka aattend?" tanong ni Feliz habang inaayos namin ang mga gagamitin sa pagbebake.

"Hindi. Aattend naman sina Mother and Father so it's okay."

Tumango silang dalawa bago tinawag si Saij at Pablo. We're going to make cookies together.

"Sabi naman sayo ikaw ang susunod na magkakaanak e." natatawang sabi ni Farra habang inaabot kay Saij ang mga ingredients na ilalagay sa bowl.

"Tumigil ka dyan. Pero ayos lang naman kasi cute naman ang anak ko." nakangiting sabi ni Feliz at tinulungan si Pablo na maghalo. Pablo is just 1 year younger to Saij.

"Mabuti nalang rin at hindi Valentino ang pangalan ng anak mo." natatawang sabi ko.

Nainis naman si Feliz at sinabuyan kami ng harina. Natawa sya pero natigil sya sa pagtawa dahil hinagisan sya ng harina ng anak kong nalagyan rin pala ng harina sa buhok at muka.

"Saij why did you do that?" naniningkit na tanong ni Feliz sa anak ko.

"I just did what you did to mommy and Aunt Farra." kibit balikat na sagot nya bago tumingin sakin. "Mommy, can you help me to crack the eggs? Please?"

Ngumiti ako at tumango. "Sure baby." Sinulyapan ko si Feliz na nakasimangot at may harina sa muka.

Para kaming mga bata na naglalaro ng harina.

"Put more chocolate, baby." binigay ko sa kanya yung bowl ng chocolate at naglagay naman sya.

"Mommy, is this enough po?"

Tiningnan ko iyon at tumango. "Yes, baby." tinulungan ko syang maghalo dahil mahirap na iyon haluin.

After we put the cookies in the oven, we let them play and have fun while waiting for the cookies to be cooked.

"Oh!" inilagay ni Feliz ang cellphone nya sa harap namin at doon ko nakita ang live video ng coronation ni Luthor.

Dahil gusto ko rin naman panoorin ay pinanood ko na.  He's a King now.

Napasadahan ng camera sina Vicky at doon ko nakita na kumpleto na sila. Sa unahan nakaupo si Vicky kasama ang parents nya at sa kabila naman ay nandoon si Francis.

Hindi ko alam pero parang may mali. Parang hindi sila nagtitinginang dalawa. Ang huling balita ko sakanila ay nagbakasyon sila sa Lurbembourn. Hindi ko na alam ang iba pang mga nangyari.

"Long live the King." sabi ko bago ako tumayo at pumunta sa oven. It's done. "Saij, the cookies are done." tawag ko sa anak ko.

Your Daddy is now the King.

"Mommy, this is so yummy!" nakangiting sabi ng anak ko.

"Ofcourse. That's your great grandma's recipe." inayos ko ang buhok nya at pinapunta sya sa table kung nasaan si Pablo at kumakain.

Lumapit si Feliz sa amin ni Farra at nagsalita. Hindi naman kami maririnig ng dalwang bata dahil busy sila sa kinakain nila at nagkekwentuhan pa.

"Luthor is a King now. Anong balak mong gawin?"

"What do you mean?"

"Kailan mo sasabihin ang tungkol kay Saij?"

Kumuha ako ng chocolate syrup at nilagyan ang cookies. "I don't know. Ayokong sabihin sa kanya ngayon dahil kakatanghal palang sa kanya bilang hari. Malaking eskandalo ito."

Life of a Princess (Crown Series #1)Where stories live. Discover now