CHAPTER 6

37.6K 1.7K 1.6K
                                    


-

Nakaraos din sa hirap matapos pa bara-bara sagutan ang quiz ni ma'am Kate.

"Hoy Kris, pst." bulong ni Gwen pagkatapos ako sikohin kaya binigyan ko ito ng nagtatanong na ekspresyon.

"Kahapon pa mainit ulo ni ma'am sayo, may nagawa ka bang kasalanan?" kahit ako ma'y hindi alam ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni ma'am. Bigla nalang sya nagkaganyan at hindi ko alam ang dahilan.

Umiling ako, "Hindi ko rin alam bakit, may alam ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Baliw ka ba? Tinatanong nga kita kung may kasalanan ka tapos ngayon sa akin ka magtatanong." baka lang naman kasi alam nya ang dahilan.

Iniisip ko kung may nagawa nga ba akong kasalanan pero wala naman. Ganyan ba sya magalit kapag may late sa klase nya? yun lang naman ang nakikita kong dahilan.

"Baka dahil late raw kuno ako? Baka yun talaga ang rason?" sagot ko sa hindi malinaw na dahilan.

"Nag chichismis na naman ba kayong dalawa tungkol sa akin?" si Genevieve bigla nalang kung susulpot.

"Hindi, wala naman dahilan para pag usapan ka." aray ko naman kung man direkta si Gwen.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko kahapon. Yung boyfriend kasi ni Genevieve may kasamang ibang babae sa mall.

"May sasabihin ako sayo." nagpakawala ako ng buntong hininga bago sya hinarap.

"Ano?"

"Nakita ko boyfriend mo kahapon sa mall, may kasamang babae." sabi ko at mukhang hindi naman sila nagulat na dalawa ni Gwen.

"Sinasabi ko sayo Gen, hiwalayan mo na ang lalaki na yun bago pa masira ng tuluyan yang sarili mo. Alam naman namin na mahal na mahal mo pero sana magtira ka sa sarili mo. Tanga na ang tawag d'yan, hindi na pagmamahal." tahimik lang ako na nakikinig.

Matagal ko na gusto sabihin ang ganyan sa kanya pero baka magalit saka sumbatan ako at sabihin ano ang alam ko sa pag-ibig? wala naman akong iniibig.

"Nagsisimula na naman si manang magsalita. I know okay? Last na yun at hindi na makikipagbalikan sa kanya." binigyan ko sya ng makabuluhang tingin. Hindi na ako naniniwala sa ganyan, sasabihin na hindi na babalikan pero kinabukasan balik na naman ulit sa dati ang dalawa.

"Ou nga! Promise! Hindi na talaga at last na yun, cross my heart." depensa sa sarili matapos sya tignan ng masama ni Gwen.

"Bahala ka."

"Wag nga natin pag usapan, kain nalang tayo sa cafeteria at treat ko." sabi nito kaya agad ko niligpit ang mga gamit.

"Tara!" nagmamadali na sambit ko.

Habang naglalakad patungo sa cafeteria ay nag uusap kami tungkol sa bagong movie ni Thalia. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa kanya dahil baka hindi rin naman maniwala ang dalawang 'to.

"Hoy alam nyo ba ang nangyari kaninang umaga." si Gwen na updated sa lahat.

"Bakit?" tanong namin ni Genevieve

"Diba pumunta ako ng restroom?" isang tango lang ang binigay ko.

"May trans na pumasok, nagtaka ako paglabas ng cubicle ko kasi may nagtatalo sa labas—"

"Diba may restroom naman for transgenders?" hindi pa nga tapos si Gwen sumingit na si Gen.

"Hindi na itinuloy dahil hindi sang-ayon ang student council president, nagtalo nga sila sa cafeteria noon dahil tungkol d'yan kasi gusto ng vice na magkaroon ng cr for lgbt." Bakit ayaw nya kung suportado naman ng paaralan ang community?

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon