CHAPTER 2.4

6.8K 269 82
                                    


-



“Rhea! Nandito na ako, buksan mo ang pinto at kailangan ko mag bihis dahil may trabaho pa ako.” Katok ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto namin, kanina pa ako nandito, tinatawag siya pero wala man lang sagot.



“Rhea, uy—” Tawag kong muli at nanlaki ang mga mata dahil ibang tao ang aking nakikita, nasaan ang kaibigan ko?



“Hi, Kris.” Nakangiting bati sa akin ng girlfriend ni Rhea, nakalimutan ko ang pangalan basta ay alam kong girlfriend ito ng kaibigan ko.



“Hello, nasa loob ba si Rhea?” Tanong ko sa kanya at gumilid upang bigyan ito ng daan makalabas.



“Yes, she’s sleeping.” Sagot niya, muling ngumiti at nagpaalam ng tuluyan.



Sinundan ko ito ng tingin bago pumasok ng kwarto at nakitang natutulog nga ang kaibigan, hindi ko na ito ginising at mukhang pagod. Nagmadali akong magpalit ng damit at umalis din kaagad para sa sideline kong trabaho, dinaanan ko si Bea pero mukhang wala na ito— magkasama kasi kami sa isang trabaho ko.



Sa isang restaurant pala trabaho ko ngayon tapos bukas iba naman, mahirap pero wala akong magawa kundi ang magsumikap para sa pangarap, para maiahon ko sa hirap ang pamilya. Minsan sa isang araw tatlo o apat ang trabaho ko, hindi naman mabibigat na trabaho at ilang oras lang tapos proceed ako sa susunod. Lahat ng mga natatanggap kong sahod ay iniipon ko tapos pinapadala kay Nanay para may pang dagdag gastos sila, lalo na para sa needs ng mga kapatid ko.



“Magandang umaga po, boss.” Binati ko kaagad ang nakasalubong kong bossing, owner nitong restaurant na pinasukan namin ni Bea, gusto ko rito kasi ang bait niyang amo at talagang hindi ka pini-pressure sa trabaho.



“Kris, nandito ka na pala. Halika at may ipapakita ako sayo, mga bagong menu natin sa buwan na ito.” Tawag sa akin at inakbayan saka dinala sa kitchen upang ipakita sa akin ang mga nanalo sa paligsahan.



Ganito kasi ang patakaran niya kada tatlong buwan, may paligsahan na magaganap sa pagitan ng mga chefs— maglalaban-laban at kung sino ang mananalo ay ‘yun ang lalabas at magiging feature na bagong menu. Gusto ko kapag ganito kasi maraming masasarap na pagkain akong natitikman tapos minsan pinapadala ni boss sa amin hehe.



“Ilan po nanalo boss? Masarap ba at nahirapan ka mag desisyon kaya marami sila?” Tanong ko at narinig ang mabilis niyang pagtawa.



“Hahaha, oo, hirap na hirap ako. Hiningi ko rin opinyon ng iba at nag desisyon na lahat ilalabas ko sa bagong menu natin.” Paliwanag ni boss, excited tuloy ako.



“May share ba ako boss? Baka gusto mo lang ipatikim sa akin? Kung gusto mo lang?” Tanong ko, unfair naman kung sila lang nakatikim no’n kaya dapat maging patas si boss sa lahat.



“Of course! Pero bago ‘yun ay may ipagagawa ako sayo.” Tumaas ang mga kilay ko, anong gusto niya gawin ko at bakit ako? Bakit ako na lang palagi nakikita ni boss, ang dami naming empleyado rito ah.



“Promote our food.” Sagot ni boss at ngumiti, bakit ako kailangan mag promote niyan? Pumasok kami sa kitchen at nakita ang iba, tama nga ako ng hinala dahil nandito na si Bea.



“Boss! Ayan, yan gamitin mo.” Turo ni Bea sa akin habang nagtatawanan sila, hindi naman ako payaso para pagtawanan nilang lahat.



Lumapit ako sa kanila at kinuha ang inabot sa akin na bowl, pinatikim nila sa akin ang mga bagong putahe. Isa-isa ko tinikman at masasabi kong pati ako ay nahirapan, tama lang desisyon ni boss na ilabas ito lahat.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon