CHAPTER 5

48.1K 1.9K 1.6K
                                    


-

"Cadell, stay." Kaka-dismissed niya lang sa klase namin, palabas na sana ako kasama ang dalawa kong kaibigan nang tawagin ako ni ma'am.

"May nagawa kang kasalanan no? Ang sama ni ma'am makatingin sayo babae." Bulong ni Gwen.

"Una na kami ni Gwen, magpapasama ako sa kanya sa mall. Kahit naman gusto ka namin isama ayaw mo parin kasi may trabaho ka." Si Genevieve na broken hearted kasi nag away na naman sila ng boyfriend, parang noong nakaraan lang okay na sila.

"Sige, ingat kayo at sa susunod nalang ako sasama, pangako." Sabi ko sa kanila at muling pumasok sa loob ng silid, kaming dalawa nalang ni ma'am ang naiwan ngayon sa classroom.

"Bakit po, ma'am?" Magalang na tanong ko.

"Meet me in the parking lot." Inihagis niya ang susi ng kanyang sasakyan at mabilis na lumabas. Naiwan ako na may pagtataka sa mukha, saan niya binabalak magpunta? Talagang kasama ako sa plano niya?

Habang naglalakad ako sa hallway ng campus, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadaan sa bawat sulok ng eskuwelahan. Mga estudyante, lahat abala sa kanilang mga lakad, ang tunog ng mga sapatos na tumatapak sa sahig, at ang mga tawanan mula sa mga kanto ng hallway ang nagbigay buhay sa paligid.

"Hey, Kris!"

Dahil sa tunog ng boses, agad kong tiningnan ang babaeng tumawag at nakita ko siya-si Alicia, isa sa mga nanliligaw sa akin. Ang pangalan niya lang ay sapat na upang makilala siya ng lahat sa campus. Siya ang tipo ng babae na hindi mo pwedeng hindi mapansin. Matangkad na babae, mahahabang buhok na kasing itim ng gabi, at may mga mata siyang malalim at puno ng buhay. Suot niya ang isang simpleng blouse na may eleganteng disenyo, at isang fitted na pantalon na halos tumugma sa bawat galaw ng katawan niya. Kahit simpleng outfit lang, ang aura niya ay tila may klaseng hindi kayang abutin ng iba.

Sikat siya sa campus, hindi lang dahil sa kagandahan, kundi dahil sa pagiging mabait at approachable. Isa siya sa mga kilalang personalidad na hindi nagmamagaling at laging handang makinig at magbigay ng tulong. Si Alicia ay kinuha ang kursong Fashion Design, isang kurso na talagang bagay sa kanya, dahil nakikita sa kanyang mga gamit at mga style ang pagiging isang natural na fashionista. Ang mga accessories at damit na isinuot niya ay hindi lang basta-basta, may mga unique na detalye na nagpapakita ng kanyang pagiging creative.

"Gusto ko sanang tanungin kung gusto mong pumunta sa exhibit namin mamaya?" Tanong niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Oh, ikaw pala, Alicia." Sagot ko, medyo nahulog ang loob ko nang makita ang kabutihan ng mukha niya at ang mga mata niyang nagniningning. "Sige, anong oras 'yun?" Sinabi ko na straight ako, pero minsan natutuwa ako sa mga ginagawa ni Alicia sa akin kahit hindi ko inaamin.

"At 5:00 PM at the Student Gallery. It's a project for our class. If you don't have anything else to do, I hope to see you there!" sabi niya, sabay tawa ng kaunti.

Napansin ko na habang nagsasalita siya, may lambing sa paraan niyang magsalita. Hindi ito ang tipo na nakaka-intimidate, kundi ang tipo na nakakagaan ng pakiramdam. Parang isang klase ng babae na kahit gaano kaabala, kaya kang patawanin at gawing komportable.

"Sige, pupunta ako. I'm sure magiging maganda 'yan. Good luck sa exhibit." Nahihiyang sagot ko.

"I'll wait, see you." Sagot niya at nagpaalam, nagsimulang maglakad palayo, papunta sa susunod niyang klase.

Habang naglalakad siya palayo, hindi ko maiwasang mapansin ang mga estudyante na nagtitinginan, tila may mga maliliit na kwento tungkol kay Alicia na ipinapasa-pasa sa bawat sulok ng campus. Alam ko, ang pagiging popular niya ay hindi lang dahil sa hitsura, kundi pati na rin sa kabutihan at pagiging talentado niya sa aspeto ng fashion. Isa siyang ehemplo ng isang babaeng hindi lang maganda sa panlabas, busilak din ang kanyang kalooban.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon