CHAPTER 1

57.9K 1.9K 1.6K
                                    


-

"Kris! dito!" tawag sa akin ng kaibigan ko pagpasok ng classroom.

Kakarating ko lang mula sa mahabang byahe, galing pa kasi ako sa probinsya namin. Kahapon sana ako babalik ng syudad kaso umulan ng malakas kaya pinagsabukas ko nalang.

"Mukhang excited ka Gwen, may chika ka na naman no?" tanong ko matapos makita ang malawak nyang ngiti at parang bulate na hindi mapakali dahil sa kinikilig ito.

"Girl! may bagong project si Valentin na sya ang FL. Hindi na ako makapaghintay!" sabi nya ngunit bigla naman ito bumasungot.

"Excited ka pero nakasimangot ka? Ano kaya yun." sabi ko matapos maipalag ang gamit sa desk at tumabi ng upo sa kanya.

"Excited nga ako! kaso yung gaganap na kontrabida ay yung kinaiinisan ko na actress hmp! ang dami pwedeng gumanap bakit sya pa." mahina akong natawa sa pagmamaktol nya, as if naman may magagawa sya.

"Anong masama kung si Thalia ang magiging kontrabida? Bagay naman sa kanya. Ang dami na kaya nyang awards na natanggap dahil sa sobrang galing nito gumanap ng kahit na anong role. She's a versatile actress." pagtatanggol ko sa actress.

Thalia Avalon, isang sikat na actress hindi lang dahil sa siya lagi ang gumaganap na kontrabida sa malalaking film kundi dahil kahit anong role ay kaya nya parin ito gampanan ng lalagpas pa sa expectations mo.

Siya ang iniidolo kong actress, lahat ng mga screenplay nya ay pinapanood ko. Alam ko rin ang tungkol sa binanggit ni Gwen sa akin kaya natuwa ako nong mabalitaan na babalik na ito. Naging hiatus kasi sya ng tatlong buwan matapos kumalat ang balita na may relasyon ito sa kasama nyang actor sa isang drama.

"Asus! ayan ka na naman, porket idol mo ang babae na yun aawayin mo 'ko!" parang sira naman to si Gwen.

"Hindi naman kita inaway? Also, diba normal lang naman yun lalo na at alam mong idol ko sya." sabi ko sa kanya.

"Hmp, balik ka na nga sa desk mo! Shupi shupi." bugaw nito nang makita ang guro na kakapasok lang.

I'm a 3rd year student, kinuha kong kurso ay BSBA Major in Accounting Management. Pinagpala ng panginoon kaya nakakuha ng scholarship dito sa paaralan na pinapasukan ko.

"ECO 2 pa talaga unang subject, kainis." rinig kong sabi nya bago ako tuluyan bumalik sa aking upuan.

"Goodmorning class,"

"Sir wala pong good sa morning ko." biglang salita ni Quid, ang pinakapilyo sa block namin.

"Hindi ko tinatanong Squid," umagang-umaga nagiging savage na si sir kaya nagtawanan kaming lahat.

"Pusit! First day of class nag uumpisa ka na naman!" saway ni Gwen, sya kasi class president namin, hindi nga lang halata.

"Ang gwapo ko tapos tatawagin nyo lang ako na pusit?!" napangiwi ako kasi sobrang hangin talaga ng lalaki na to.

"Bibig mo palang mukha ng pusit, kaya bagay talaga sayo maging pusit." salita na nagmumula sa backdoor. Ayan na pala sya, first day of class pero late.

"Genevieve, you're late." sabi ni sir sa kanya.

Seninyasan ko sya at pinaupo sa katabi kong vacant chair.

"Hindi kaya ako late sir, kung hindi mo ako inutusan na kunin ang number nong babae kanina edi sana hindi ako mahuhuli sa klase" sagot nito bago tuluyang umupo at kinindatan ako.

Itong si sir kahit sinong babae nalang ang matipohan, tapos ang uutusan humingi ng numero ay kaming mga students nya.

"Sir, mag bagong buhay ka na po kaya ka walang jowa e." pang asar ni Quid sa kanya.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon