CHAPTER 10

41.1K 1.9K 3.1K
                                    


-



Akala ko nagbibiro lang si ma'am Kate nang sabihin kaninang may mall siya, pero ngayon napatunayan kong totoo nga pala talaga. Pagdating namin ay agad niya ipinasara ang mall kahit may natitira pa naman sanang oras, ayaw niya kasi ng sagabal at gusto niya matapos kami kaagad.



"Cadell, is that a boy or a girl?" Tanong ni miss Turner habang papasok kami sa unang boutique. Para niya lang ginawang isang bagay ang bata kung makatanong siya.



"Babae po." Sagot ko at nilingon si Rhea na kanina pa sunod nang sunod sa akin, balak agawin si baby.



"Sweety, anong kailangan para sa anak natin?" Si Jenkins, hindi ko ba alam kung anong trip nya at bigla nalang nanyayakap sa harap ni miss Turner.



"Jenkins, put what you're doing in the right place. Can you please not flirt in front of me?" Saway ni miss Turner sa kanya, sya na rin mismo ang nagtanggal ng mga braso ni Jenkins sa bewang ko.



"Pssh, inggit ka lang kasi hindi mo magawang yakapin ang asawa ko." Ayaw paawat ni Jenkins at gusto labanan si miss Turner, mukhang magtatalo pa.



"Your wife is my wife, and I can do whatever I want whenever I feel like it. And just so you know, before you even think of doing it, I've already done it." Napakagat ako ng labi dahil sa ibinatong banat ni miss Turner, medyo awkward sa part ko kasi bakit sa harap ko sila nag-uusap tungkol d'yan?



"Ows? Kaya mo ba syang halikan tulad nito..." nagsimula akong mataranta sa kanyang pag ipit ng aking mukha gamit ang kanyang mga kamay. Akmang hahalik na sana ito nang biglang ginamit ni miss Turner ang isang kamay nito upang itakip sa kanyang bibig, dahilan kaya hindi natuloy ang binabalak ni Jenkins.



"Enough with your nonsense." Hindi natuloy ni Jenkins ang sasabihin dahil pinisil ni miss Turner ang kanyang pisngi, kawawa naman, sa tingin ko ay wala siyang laban sa kanya.



Natigil lang silang dalawa dahil sa pagtawag ni miss Thalia sa amin at pinapasunod na sa loob. Wala yata silang balak na tumigil kaya ako na ang umalis at iniwan ang mga ito sa labas ng boutique. Nagsimula silang mamili, hinayaan ko na kung anong damit ang gusto nila para sa baby. Lahat din naman ng mga binili nila maganda at sariling mga pera ang ginastos kaya hindi na ako nagreklamo.



Akala ko isang boutique lang ang papasukan ngunit nasundan pa ng isa, dalawa, tatlo hanggang hindi na namin kaya bitbitin lahat ng mga pinamili. Hindi pa nga sana sila titigil kung hindi ko lang sinaway. Hindi rin kami pwede magtagal dahil lumalalim na ng tuluyan ang gabi kaya nagmadali na kaming bumili ng gatas na kakailanganin nito sa pang araw-araw.



"Kris, do you need something?" Tanong ni miss Thalia.



"Wala po, sa baby nalang." Sagot ko.



"Are you sure?" Tanong niya, tumango ulit ako. Bumili na rin sila ng stroller para mas maging comfortable ang bata kung lalabas kami.



Makalipas ang isang oras ay natapos narin kami. Wala talaga silang balak tumigil sa pag shopping ng mga gamit para sa bata. Kulang nalang bilhin nila lahat ng sa tingin nila ay mapapakinabangan nito.



"Okay, we're done here." Sabi ni miss Kate. Silang lahat lang ang may bitbit ng mga pinamili dahil hindi naman ako pwede kasi karga-karga ko ang bata.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon