CHAPTER 7

40.5K 1.8K 2.4K
                                    

-



Makalipas ang isang oras ay nagising si nanay, tinawag ako't pinapasok ng kwarto habang naiwan sa sala kasama ng mga kapatid ko ang apat. Sana hindi ko nalang sila sinama kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Wala naman kasi akong plano ipaalam sa inay ko ang tungkol sa kanila at mas lalong hindi nya alam na pumatol ako sa babae.



"Nay," tawag ko pagpasok ng kanilang kwarto.



"Nak, alam mo ba ang ginagawa mo?" Wala ng patumpik-tumpik pa at diretsahan nya akong tinanong.



Bumuntong hininga ako saka marahan umupo sa kanyang tabi. "Nay, hindi naman po totoo na mga asawa ko sila. Tinutulungan ko lang po sila sa mga problema." Inabot ko ang kanyang kamay, buong ingat na hinahaplos.



"Anak, hindi ako hahadlang kung talagang babae ang iyong iniibig pero alam mong malaking kasalanan ang kasal ka sa katulad mong babae." kakasabi ko lang na hindi ko sila mga totoong asawa.



"Hindi ko rin tanggap na kasal ka sa apat. Ipaliwanag mo ng mabuti sa akin, gusto ko sabihin mo ang lahat ng walang tinatago. Alam mo ba ang pinasok mo, Kris? Ano nalang ang mangyayari sayo kung mapahamak ka dahil d'yan sa ginawa mo? Hindi mga simpleng tao ang iyong isinama." alam ko naman galit si nanay dahil nag-aalala sya pero nangyari na ang lahat, hindi ko na mababawi pa.



"Patawad po, malaki po ang utang na loob ko sa kanilang apat. Gusto ko lang po bumawi kasi kung hindi dahil sa kanila, wala akong pera maipapadala para sa operasyon ni Paopao." Hindi ko naman kinuha sa masamang pamamaraan ang pera na ipinadala ko.



"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya. Hindi ko sya magawang tingnan sa mga mata kaya nanatili akong nakayuko.



"Yung regalo na bigay nila sa akin dahil sa tinulungan ko sila. Benenta ko po 'yun para magkapera sa madaling panahon, nagsasabi po ako ng totoo at hindi humingi sa kanila. Kahit na bukal sa loob nila na bigyan ako ng pera at kung ano pa ay hindi ko tinanggap dahil ayaw ko po may masabi ang ibang tao sa akin." Kinakabahan kong paliwanag sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang buong katotohanan tungkol sa kontrata ko sa kanilang apat at pagkatapos no'n ay puputulin ko na ang ugnayan ko sa apat.



"Tatlong buwan lang po nay, pagkatapos ng tatlong buwan puputulin ko na ang namamagitan sa aming lima." Huling sabi ko bago nagmamakaawa na tiningnan sya.



"Kris, alam mong mahirap lang tayo. Wag mo ilagay ang sarili sa sitwasyon na alam mong ikakapahamak mo. Matanda na kami ng itay mo, anak, ikaw nalang din inaasahan ng mga kapatid mo." Wala na akong ibang masabi kasi alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit naging ganito. Kinagat ko ang ibabang labi, pinunasan ang mga luha dahil sobrang nakonsensya ako sa ginawa.



"Tumahan ka na anak, ano pa ba ang magagawa ko kung nangyari na? Tawagin mo sila at gusto ko makausap." Pagpapatahan niya sa akin.



"Opo," sambit ko bago pinahiran ang mga luha, kaagad lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala. Habang papalapit sa sala ay dinig ko ang mga tawanan nila lalo na ng dalawa kong kapatid. Ngayon ko lang nakita ang mga ito na tumawa sa harap ng ibang tao.



"Ate!" Tawag sa akin. Tipid ko silang nginitian pagkakita sa akin.



"Tawag po kayong apat ni nanay, gusto kayong kausapin." Sabi ko sa apat na nakaupo.



"Cadell, you okay?" tanong ni miss Turner.



"Opo, pumasok na po kayo sa kwarto." Sagot ko sa kanya bago tumabi sa pagitan ng mga kapatid ko. Hindi ko na sila tiningnan dahil baka mapansin nila ang namumula kong mga mata lalo na si Jenkins na ramdam ko na malalim nakatitig sa akin.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon