CHAPTER 8

43.7K 1.9K 2.4K
                                    


-



Maaga kaming nagising nila Nanay at Tatay para maghanda para sa piyesta. Sabay-sabay kami sa kusina, abala sa mga gawain- ako ang nag aasikaso ng mga gulay, si Nanay naman ay sa mga karne at si Tatay ay nag-aayos ng mga set-up sa sala. Si Nanay at Tatay, tuwang-tuwa sa mga binili nila miss Olivia at halos puno na ang buong bahay sa dami ng mga pagkain. Iniisip ko, mauubos kaya lahat ng mga ito? Kami-kami lang din naman ang kakain at hindi ako sigurado kung may mga bisita na pupunta.



Narinig ko ang mahinang ubo sa aking likuran kaya napalingon ako, nakita ko si miss Olivia na tila nilalamig dahil sa nakasuot ito ng jacket- pero bakit nanginginig siya?



"Miss, magandang umaga po- ayos ka lang ba? Bakit ang aga mo nagising?" Tanong ko sa kanya.



"Too cold..." sabi niya ngunit bigla ulit umubo. Agad akong naghugas ng mga kamay, nilapitan siya.



"Excuse me po." Paalam ko bago maingat na hinawakan ang kanyang kamay, paakyat sa kanyang leeg at noo. Pinakiramdaman ko pa ang sarili gamit ang sariling palad at tama nga ako, mainit siya at mukhang nilalagnat.



"Nay, may gamot pa po ba tayo para sa lagnat? Nilalagnat kasi si miss Olivia." Tawag ko kay Nanay at natataranta itong kumilos.



"Aba'y bakit ka nagkaroon ng lagnat, anak? Sandali lang at titingnan ko sa kwarto." Tanong ni Inay ngunit kaagad din umalis upang kumuha ng gamot.



"Miss, dito po tayo at huwag ka masyado gumalaw." Sabi ko, nag gesture pa ako kung saan siya uupo ngunit sa halip na sundin ay bigla niya hinawakan ang aking kamay. Tumaas ang aking mga kilay, hindi nakaimik at tulalang nakatitig sa kanya.



"Anak, nandito na." Bumalik si Inay na may dalang box, kung saan nakalagay ang mga gamot. Bibitawan sana ni miss Olivia ang aking kamay ngunit kaagad ko itong pinigilan, mas hinigpitan ang hawak saka siya hinila ng dahan-dahan sa upuan.



"Anak, ako na ang bahala sa kusina at bantayan mo si Olivia- magluluto na rin ako ng sopas para sa kanya." Tumango ako sa sinabi ni Inay matapos mainom ni miss Olivia ang gamot.



Nakaupo ito ngayon habang ako ay nakatayo sa kanyang harapan, magkahawak parin ang isa naming mga kamay at nagdadalawang isip ako kung babawiin ko ba ang kamay ko o hindi. Kabado akong natatawa ng mahina at kalmot sa aking tenga bago tumingin sa kanyang mga mata na kanina pa pala titig na titig sa akin.



"Dahil siguro sa balon kaya ka nilagnat, kung bakit kasi tumalon pa kayo." Malumanay na sermon ko, hindi ko naman magawang magalit sa kanya.



Bigla akong napaisip, kung nilalagnat siya dahil sa pagtalon nila ng balon kagabi ang ibig sabihin mataas din ang chance na gano'n din ang tatlo. "Wait lang po, may titingnan ako." Paalam ko kay miss Olivia bago binitiwan ang kamay niya at pumasok sa loob ng kwarto ko.



Hindi nga ako nagkakamali dahil pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko ang tatlo, nanginginig ang mga ito sa lamig. Muli akong lumabas upang ipaalam kay nanay na damihan ang sopas dahil hindi lang si miss Olivia ang nilalagnat. Pagbalik ko sa sala ay wala si miss Olivia, dali-dali akong lumabas ng bahay at nakita ko itong nakaupo sa kawayan na bangko.



"Miss, malamig dito kaya pumasok na tayo." Tawag ko sa kanya ngunit para itong walang naririnig.



"Miss?"



"It's so quiet here and cold, far from the bustling population, and the place is incredibly peaceful." Bigla niyang salita.



"Maaga pa po kasi kaya tahimik, tingnan mo mamaya at dadami bigla ang mga tao." Sagot ko ngunit bigla niya ako hinila sa damit at kinurot sa pisngi ko.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon