-"Rhea, may balita ka ba kay Bea?" Tanong ko sa kanya habang hinahanda ang almusal.
"Wala eh, hindi rin siya sumasagot sa messages ko- kahit mga tawag ko." Sagot niya.
"Salamat. Nasaan kaya siya? May gusto sana akong itanong sa kanya, gusto ko rin sana siya imbitahin sa birthday ko." Sabi ko at tinikman ang kanyang niluto.
"Subukan ko puntahan mamaya sa boarding house, hindi naman siguro siya naubusan ng pagkain? Iniwan natin lahat sa kanya ang bigay ni Miss Olivia." Sagot niya. Tumango ako at tipid ngumiti, binigay kasi namin lahat sa kanya ang mga natira tutal mas kailangan ni Bea 'yun.
"Sige, ay masarap ang niluto mo." Sabi ko.
"Syempre, dapat galingan ko kung gusto ko magtagal kami ng girlfriend ko." Nakangiting sabi niya, natigilan ako sa pagsubo- muntik ko na makalimutan at may girlfriend nga pala siya ngayon.
"Galingan mo, hehe." Sagot ko nalang kasi wala akong masabi.
"Sweety, are you ready? Aalis na tayo." Tawag ni Jenkins sa akin kaya dali-dali kong inubos ang pagkain.
"Opo! Alis na kami Rhea, salamat sa pagkain." Paalam ko sa kaibigan at sumunod kaagad kay Jenkins.
Wala kasi akong masasakyan ngayon kaya ihahatid niya ako sa school dahil siya nalang ang pwede ko masakyan, nauna kasing umalis ang tatlo kanina kaya kay Jenkins nalang ako sumabay. Hindi pa ako tuluyang gumagaling mula sa lagnat, ayaw nga sana ako papasukin pero ako lang talaga ang nagpumilit dahil ayaw ko sayangin ang isang araw.
"Sweety, my family is planning a gathering, and I'll take you with me, okay?" Biglang tanong ni Jenkins sa akin.
"Kailan? Kung walang pasok po, sasama ako." Sagot ko.
"It's supposed to be on Friday, but I'm moving it to Saturday since you have class . You don't have class that day, right?" Tanong niya, siya pala ang magdedesisyon?
"Wala, sige sasama ako." Sagot ko.
"I'm excited, this is the first time I'll introduce someone to my whole family. I'm serious about our relationship, even though it's a bit complicated for me." Sabi niya pero naguluhan ako sa kanyang huling sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti. "Not today." Sagot niya at ngumisi. Hindi ko na pinilit aminin sa akin at kung gusto niya sabihin, sasabihin naman kaagad, baka hindi pa siya handa kaya dapat respetuhin ko 'yun.
Makalipas ang mahabang minuto ay narating namin ang front gate ng paaralan, hindi ko na pinapasok sa loob para hindi siya matagalan. Bababa na sana ako nang bigla niya hilahin ang aking braso at siniil ng halik ang labi ko, ngumiti ako hinayaan siya sa kanyang gusto.
"Take care, my wife." Sabi niya at marahan na pinisil ang aking ilong.
"Salamat, ingat ka sa pagmamaneho ha? Kita nalang po tayo mamaya sa bahay." Sabi ko.
Nagpaalam ako, bumaba ng sasakyan at kumaway pabalik sa kanya hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko ang kanyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras sa aking suot na relo, hindi ko namalayan at late na pala ako. Tumakbo ako kaagad papasok ng campus, halos maubusan na ako ng hininga dahil sa sobrang layo ng department building namin. Lugi talaga kapag wala kang sasakyan, may mga mini buses naman na taga hatid-sundo pero hindi ko naabutan.