CHAPTER 9

38.2K 1.8K 2K
                                    


-



"Rhea, okay na ba suot ko?" Tanong ko sa kanya dahil wala kaming malaking salamin para makita ang sarili.



"Bagay pala sayo ang black suit, pero bakit ganyan suot mo? Ayaw mo dress?" Sagot niya. Napanatag ako sa sinabi nyang bagay, akala ko kasi hindi babagay dahil first time ko magsuot ng ganito.



"Magiging escort ako ni miss Thalia, ito ang pinili ko just in case may emergency na mangyari at para makakilos ako ng hindi nahihirapan." Sagot ko sa kanya bago isinuot ang relo na pinadala ni miss kasama nitong suit.



"Sabagay may point ka, kahit naman anong isuot mo d'yan sa katawan mo babagay parin. Try mo kaya sako?" Tumingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala dahil sa huling binigkas, anong trip nya.



"Joke lang! 'to naman kung makatingin, anong oras ka ba susunduin?" Tiningnan ko ang aking relo. Ang sabi 8pm magsisimula ang party at susunduin ako mga bandang 7:30, may 10 minutes pa akong hihintayin.



"7:30 daw." Sagot ko.



Biglang pumasok si Bea ng kwarto, muntik pa kami mapasigaw ni Rhea dahil may suot itong skin care face mask na itim.



"Akala ko masamang elemento." Pagbibiro ni Rhea at mahinang tumawa.



"Ganda kong to? Nga pala, may lalaking naghahanap sayo sa ibaba, may date ka? Para ka namang escort sa suot mo." Hindi naman sya mali sa parte na escort ako pero date? Nah, sasamahan ko lang si miss.



"Hindi may party lang na dadaluhan. Okay na ba suot ko? Maayos na ba?" Tanong ko ulit kasi feeling ko may mali.



"Oo, okay na." Sabay nilang sagot at thumbs up pa.



"Sige alis na ako." Lalabas na sana ako kaso may pahirit pa si Bea.



"Ano 'yun?" Tanong ko.



"May sasabihin ka ba?" Tanong ko ngunit tila nagdadalawang isip siya.



"Wala, sige at ingat ka." Sabi ni Bea.



"Baka may sobrang pagkain, dalhan mo ako ha." Pahabol ni Rhea, mahina akong natawa dahil sa katakawan nya, pareho kami matakaw sa pagkain.



"Oo, sige alis na ako." Sabi ko't tuluyan na nagpaalam sa dalawa at nagmamadaling bumaba dahil baka naiinip na ang naghihintay.



Agad akong sinalubong ng lalaki sa labas ng gate na may dalang Black SUV, akala ko walang tao sa loob pero pagbukas ng pinto ay nakita ko si miss Thalia, nakatutok sa kanyang selpon habang naghihintay.



"Good evening miss Thalia." Pagbati ko sa kanya bago pumasok.



Thalia is dressed in an elegant satin dress, similar to the one shown in the photo. The gown features a cowl neckline that drapes softly, supported by thin spaghetti straps. The material, with its smooth and glossy finish, highlights her silhouette. The high slit on one side adds a touch of allure and sophistication, showcasing her confidence and grace. It is difficult to find any flaws in her appearance. Her pretty face is icy cold at the moment, and her eyes are filled with impatience.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon