CHAPTER 15

34.3K 1.6K 1.6K
                                    


-

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo at lamig ng kwarto. Kulang na lang magkaroon ng snow dito sa loob sa lakas ng aircon.

Pagsilip ko sa bintana ay malakas ang buhos ng ulan. Kaya naman pala parang iba ang lamig ngayon dahil umuulan na naman.

Pinatay ko ang aircon, inayos ang higaan bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Ito ba yung sinasabi nila na hangover? Hindi naman ganito kalala nung una akong uminom pero mas masakit na ngayon.

Hindi ko na rin naabutan ang apat kagabi na nakauwi. Siguro natulog na ako agad pagkatapos maubos ang smirnoff.

Habang umiinom ng kape binisita ko rin ang page ng PU. Tama nga ako, cancel lahat ng klase ngayong araw sa lakas ba naman ng bugso ng ulan.

Pasado alas nuwebe na pero dahil sa bagyo nagmukha ng gabi ang kalangitan. Pumasok kaya ang iba sa mga trabaho nila? Kung ganun dapat mag ingat sila at mag dahan-dahan sa pagmamaneho.

Binuksan ko ang TV, sakto naman ang pagbaba ni miss Kate. Naalala ko yung usapan namin na dalawa. Agad akong tumayo upang salubungin sya saka binigyan ng morning kiss.

"Good morning, kamusta po lakad nyo kagabi?" balik sa aking pwesto.

"Cadell."

"Yes po?"

"Next time, don't drink." natigilan ako sa pag inom ng aking kape dahil sa kanyang sinabi.

Nalaman niya na uminom ako? Pilit kong inaalala ang nangyari dahil baka tulad ng nauna, maalala ko rin ang mga naganap pero kahit anong isip ko'y wala akong maalala.

"Pasensya na po, nasarapan kasi ako sa lasa nong smirnoff na ininom at hindi namalayan naparami na pala ang inom." may pa sabi pa ako sa sarili na hindi na iinom pero naulit ko.

"Good morning, babe." bati ni miss Thalia, kakababa lang din ng hagdan.

Agad itong lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi. "Good morning po, nag enjoy ba kayo kagabi?" tanong ko sa kanila ngunit saglit pa nagkatitigan ang dalawa bago ko nasilayan ang ngiti sa labi ni miss Thalia.

"It was lovely." sagot nya sa aking mga mata.

"Mabuti naman, gising na po ba ang iba o pumasok? Magluluto lang ako para sabay na tayong lahat kumain." sabi ko pagkaubos ng kape at agad nagtungo sa ref upang tumingon ng ingredients.

"Kris, ang aga mo nagising, tulungan na kita." biglang sulpot ni Rhea sa tabi ko habang gumagawa ng salad sandwiches.

"Ang sakit kasi ng ulo ko tapos malamig ang kwarto. Rhea gawa ka nga sinigang, nag crave ako."

"Sige–naalala mo na ba ang lahat kagabi?" umiling ako, hindi ko kasi talaga maalala.

"May ginawa na naman ba ako? W-Wag mo sabihin binalak ko ulit tumalon ng pool?" kunot noo na tanong ko.

"Hindi–wala naman, natulog ka lang kaagad kagabi." nakahinga ako ng maluwag. Alam kong totoo ang sinasabi kapag galing mismo sa mga bibig ni Rhea.

Nag excuse muna ako sa kanya upang ihatid tong mga gawa kong sandwiches sa dalawang babae na nasa sala at nanonood ng balita.

"So frustrating." narinig kong sabi ni miss Thalia bago ibinaba ang hawak na phone at sinabing may shoot sila ngayon.

"Kain po muna kayo. Nagpaluto ako ng sinigang, masarap yun lalo ngayon maulan—anong ibig mong sabihin? Aalis ka po ngayon kahit na bumabagyo?" she frustratedly sigh bago tumango ng ulo.

Siguro may scene sila na bumabagyo o di kaya malakas ang ulan kaya opportunity na nila gawin ito ngayong araw. Pero nag aalala ako para sa kanya, paano kung magkasakit sya?

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon