-Nandito ako ngayon sa kompanya ni miss Olivia para isauli ang pera na binigay niya sa akin- hindi pala bigay at utang ko sa kanya, sabi ko isang libo pero anong ginawa niya? Ginawan niya ako ng account at nilagyan ng pera, mamamatay na lang siguro ako sa lahat ng parallel universe ay hindi ko mababayaran ang gano'n kalaking pera, akala mo naman talaga barya lang ang isang bilyon.
"Sino ka? Bawal pumasok kung hindi ka trabahante, o kung wala kang appointment." Hinarangan ako ng guard at talagang tinulak pa ang balikat ko dahil lang sa nakaapak na ang paa ko sa loob ng building.
"Kailangan ko lang po makita si miss Olivia," sagot ko sa kanya.
"Olivia? Halos kilala ko lahat ng empleyado at wala akong matandaan na may Olivia na nagtatrabaho rito." Aniya at humakbang kaya napaatras ako.
"Hindi nga po siya empleyado ng kompanya na ito." Sagot ko, kahit na maasim kung paano niya ako tratuhin ay ginagalang ko pa rin ito.
"Hindi naman pala-"
"Kris?" May tumawag sa akin, nilingon ko ito at nakita si miss Eve, ang sekretarya ni miss Olivia.
"Hello po." Bati ko sa kanya.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin bago tiningnan ang guard.
"Ma'am, nagpupumilit na pumasok, hindi naman siya empleyado at walang appointment." Bigla itong naging magalang kay miss Eve, kilala niya si miss Eve pero hindi kilala ang owner nitong kompanya.
"What seems to be the problem here?"
Pareho silang napalingon sa aking likuran. Si Miss Eve ay mukhang nataranta, samantalang ang guard ay parang walang reaksyon. Sa tingin ko, bago pa lang itong guard, at base sa pagkakaintindi ko sa ugali ni Miss Olivia, hindi niya ugaling magpakilala o magpakita sa lahat ng empleyado niya. Pero diba, normal lang naman na kilala ng mga empleyado ang CEO nila? Hay, ewan, at bakit ko pa ito pinoproblema.
Tiningnan niya una ang guard bago tumingin sa akin, mula ulo hanggang paa, kailangan talaga ganyan kung tumingin? Hindi ito nagsalita, bigla akong nilagpasan at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok ng building. Hinabol ko ito, haharang sana ulit 'yung guard ngunit bigla itong winarningan ni miss Eve.
"M-Miss, sandali lang po- gusto ko ibalik 'yung pera." Habol ko sa kanya at nakitang nakahabol na rin si miss Eve sa amin.
Hanggang sa nakarating kami ng elevator at ngayon hinihintay itong bumukas. Salita lang ako ng salita tapos itong si miss ay hindi man lang ako sinasagot kahit HA o HO ay wala. Bumukas ang elevator, unang pumasok si miss Olivia, tumingin ito kay miss Eve at nagulat ako dahil bigla akong itinulak nito papasok ng elevator.
"Fire him." Huling salita ni miss Olivia kay miss Eve bago tuluyang sumara ang elevator.
Napalunok ako at bahagyang umatras nang biglang humarap si miss Olivia sa akin. "What were you saying?" Tanong niya.
"S-Sabi ko po isasauli ko ang pera na utang ko. H-Hindi ka nag-iisip miss, isang libo lang naman sinabi ko pero binigyan mo ako ng isang bilyon, sa tingin mo po mababayaran ko 'yan?" Utal-utal kong salita at muling humakbang paatras dahil umabante siya.
"Huh? Debt? I don't remember you owing me anything." Sagot niya, seryoso ang mukha, ang bango ni miss at gusto ko ang amoy.
"Hindi po ako nandito para makipagbiruan sayo, 'yung ginawa mo pong account gamit ang pangalan ko." Sagot ko.