CHAPTER 11

34K 1.6K 1.8K
                                    


-

Nandito na ako sa puntong mahirap takasan. Hindi na talaga ako makakatakas. Agad silang nag book ng vip room para sa aming lahat dahil may kailangan kaming pag-usapan.

Tahimik ang buong silid, yakap-yakap si baby habang nakaupo, napapagitnaan ng apat at ang mga pamilya nila na nasa aming harapan, naghihintay kung sino ang unang magpapaliwanag.

Hindi ko yata kakayanin ang tensyon na nadarama kapag nagtagal ang ganito. Ang bigat sa pakiramdam, para akong nasa isang trial dahil sa mabigat na krimeng nagawa.

Hindi ko magawa ang mag angat ng ulo dahil natatakot ako. Baka may sabihin silang makakasakit sa aking damdamin.

"Anak, sabihin mong hindi totoo na apat kayong asawa ni Kris." hindi na siguro kayang maghintay ng matagal ng ama ni miss Olivia kaya sya na ang pumutol sa nakakabinging katahimikan.

"Why would I do that? You still won't believe it after they told you and Kris herself admitted the truth?" bakit ba nagtataray ito sa kanyang ama? gusto ba niya mas lumala ang sitwasyon namin ngayon? Baka tuluyan na akong ipakidnap at tapon sa malayong isla nyan ng kanyang ama.

Sa totoo lang, wala kami magiging problema sa mga ama nila Jenkins at miss Thalia dahil una palang sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa alok na kasal ng kanilang mga anak.

Alam din nila na kontrata lang ang kasal namin at mawawalan ng bisa pagkatapos ng tatlong buwan. Kaya nong inamin ni Jenkins sa lahat kanina na kasal ako sa apat ay hindi na nagulat ang dalawang lalaki.

Tungkol naman sa parents nina miss Kate at Turner, tanging mga ina lang nila ang may alam tungkol sa fake marriage. Syempre alam nilang dalawa dahil nandoon sila mismo nung panahon na bigla nalang ako pinili ng kanilang mga anak habang nasa trabaho.

Ang hindi lang alam ng mga 'to, apat ang magiging asawa ko. Bakit? Kasalanan ko?

"Alam ba ninyo na mas malaking kasalanan ang nagawa nyo? Paano kayong apat naging asawa ng isang tao?" ramdam ko ang pagiging dismayado sa boses ng ina ni miss Turner.

"Kris, magpaliwanag ka." utos ng ina ni miss Kate.

Bakit ako ang kailangan magpaliwanag, dapat silang apat magpaliwanag sa mga magulang nila. Kung papaano nila ako kinorner hanggang sa naipit kaya napapayag na magpakasal sa kanila.

"Wala akong problema kung kasal sa babae ang anak ko. Ang hindi ko matanggap, apat silang asawa mo." dismayado itong napabuntong hininga bago umiling ng ulo. Hindi ko naman masisisi si Mr. Turner dahil may karapatan naman talaga sya magdamdam.

"Kris, hindi ko lubos akalaing apat na magkakaibigan ang asawa mo." nandito nga pala si sir Gunner. Dahil sa sobrang focus ko sa mga magulang ay muntik ko na sya makalimutan.

"Don't drag Kris into this mess. She has nothing to do with this because she rejected us multiple times before accepting our proposal." biglang depensa ni miss Kate sa akin mula sa kanyang kapatid. Wala naman sinabing masama si sir Gunner, nagmukha tuloy sya na masama.

"Proposal?" sabay na tanong ng dalawang ginang.

"We proposed marriage to her. She rejected us several times, but we forced her until she had no choice but to agree. So, if you want to blame someone, blame us, not Cadell." pagtatanggol naman ni miss Turner sa akin habang nilalaro ang baso ng alak sa kanyang daliri.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon