CHAPTER 2.1

7K 237 33
                                    

-



"Kris! Kris!" Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Rhea.



"Uy! Ano na? Wala kay plano mo mata ha? Naa pa kay klase!" Sermon niya sa akin. Ewan ko sa kaibigan ko at panay siya salita ng bisaya, hindi ko naman naiintindihan.



"Kris! Gising na at may pasok pa ako sa trabaho. Pastilan at baka sermon ulit abutin ko sa demonyong manager ko." Muli niyang pukaw sa akin at tuluyan na akong hinila patayo kaya wala na akong choice kundi ang gumising na lang din.



"Rhea naman, pwede ka naman umalis ah? Kailangan mo ba talaga akong gisingin? Alas nuwebe pa kaya pasok ko ngayon." Sabi ko sa kanya kasunod ang pagkusot ko ng mga mata.



"Ay alas nuwebe pa pala? Hindi alas otso?" Tanong niya sabay kamot sa kanyang ulo. Umiling ako at kinuha ang tuwalya, maliligo nalang ako total gising na rin naman.



"Uy, may tanong ako sayo Kris." Tawag niya at humarap ako sa kanya habang humihikab, nakita ko ang magulong pag insert niya ng damit kaya tinulungan ko na itong ayusin.



"Ano 'yun?" Tanong ko.



"Ipasok na kaya natin sa mental si Bea?" I look at her in disbelief, hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Kung siya kaya ang ipasok namin at bakit ganyan iniisip niya sa isang kaibigan namin?



"Bakit? Ang sama mo Rhea at pinag-iisipan mo ng masama si Bea." Sabi ko at kinuha ang lalagyan ng sabon at shampoo.



"Kasi naman eh, simula nong pumasok tayo sa kwarto niya parang may nagbago sa kanya. Panay siya sabi ng mga bagay na walang sense?" Sagot niya sa akin at nag salubong ang kanyang mga kilay.



Bumuntong hininga ako. "Wag mo na nga problemahin si Bea at isa pa walang problema sa pag-iisip niya. Maayos naman nating siyang nakakausap ah?" Depensa ko at bakit hindi pa siya umaalis? Sabi niya late na siya.



"Basta, may something talaga kay friend." Kibit balikat na sagot niya.



Kinuha ko ang bag niya at ibinigay sa kanya bago ito itinulak palabas ng kwarto namin. "Sige na, umalis ka na at maliligo pa ako. Hindi mo kailangan umuwi ng maaga at sinabihan ko si Nanay na bukas ulit ako tatawag sa kanila." Paliwanag ko at baka bigla ulit siya tumakas sa trabaho para lang makauwi upang makatawag ako kay Nanay.



"O sige, baka maaga ako mag out today. Ano gusto mong ulam mamayang gabi? Daan na lang ako sa karinderya, may bigas pa ba?" Tanong niya sa akin at tiningnan ang lalagyan namin ng bigas pero wala na pala itong laman.



"Kris oh, bili ka dalawang kilo mamaya after ng class mo. Huwag mo na galawin 'yang natitirang allowance mo at alam ko kulang pa 'yan para sayo. Huwag mo na isauli ang sukli." Sabi niya at inabutan ako ng dalawang daan.



Kagat labi akong tumango at tipid ngumiti, actually ay wala na talaga akong pera dahil nga binigay ko kay Thalia noong gabing bumabagyo. Hindi pa release ng allowance sa scholars kaya tiis-tiis nalang muna. Mabuti nalang talaga at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Rhea, kahit isang beses hindi siya naging madamot sa akin lalo na sa pagkain.



"Uy, ayan na naman siya at malalim ang iniisip. Iniisip mo na naman kung paano ako babayaran? Ano ka ba, sabi ko sayo hindi na kailangan bayaran kung sa pagkain din naman natin napupunta ang gastos. Salitan lang 'yan friend, kapag ako naman ang wala ay ikaw naman ang bumibili ng pagkain ko." Pukaw niya sa akin at ikinulong ang leeg ko sa kanyang braso.



Porket mahaba braso at matangkad siya kumpara sa akin ay lagi nalang ako ginaganito, pero hindi ako nagrereklamo total gusto ko rin naman kung paano niya ako tratuhin. Sabagay at tama siya sa sinabi, kapag wala rin siya ay ako ang gumagastos ng pangangailangan namin kaya patas lang kaming dalawa.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon