CHAPTER 15.2

4.7K 223 78
                                    


-



"Kris! Kris!" Paglingon ko ay nakita ko si Miss Claire, tumatakbo palapit sa akin. Imbes na tumigil at hintayin ito ay mas binilisan ko ang bawat hakbang ng mga paa, masama ang kutob ko lalo na kapag ganyan ang approach niya.



"Kris! Wait lang!" Habol niya sa akin at tuluyan akong naabutan, wala akong nagawa kundi ang mapahinto matapos hawakan ni Miss ang aking braso.



"Po?" Tanong ko.



"Bakit hindi ka tumigil? Kanina pa kita tinatawag." Sabi niya habang hawak-hawak ang dibdib.



"Hindi ko napansin hehe." Dahilan ko.



"Wala na tayong panahon, sumama ka sa akin at gusto ka kausapin ni Direk." Napatingala ako at napapikit ng mga mata matapos ako hilahin ni Miss Claire, tama nga talaga ako sa aking iniisip at tungkol nanaman sa taping nila. Anong gusto ni Direk? Anong plano niya at bakit ako pinatawag? Balak ulit ako gawing extra?



Hindi ko rin alam kung paano ako napasama sa pelikulang 'to. Sa totoo lang, extra lang ako noon, tahimik na kumakain sa cafeteria tapos bigla nalang akong naging extra. Then boom- bigla akong may linya! Tapos, sa isang iglap, naging "accidental" artista na ako kuno. Ngayon, andito si Direk, pilit na kinukumbinse ako na bumalik sa pelikula para sa isang bagong eksena.



Lumapit si Direk sa akin hawak ang script. "O, ito na! Isang eksena lang, tapos bayad ka na ulit! Game ka na?" Akala ko ba kakausapin ako? Anong bayad ulit? Diba dapat sila ang magbayad sa akin at bigla-bigla nila ako kukunin na extra?



Umiwas ako ng tingin at pasimpleng umatras. "Direk, alam niyo ba na aksidente lang 'yung pagiging extra ko last time? Kumakain lang ako, tapos may biglaang line sa pelikula." Sagot ko sa kanya



Ang mga mata niya na tila nagmamakaawa. "Pero kasi, natural ka sa screen, Kris! Yung galawan mo-pang-award! Kahit simpleng pagtalikod lang, may epekto!" Binobola pa ako para pumayag lang sa kanyang gusto.



"Direk, ayoko na po." Sagot ko at nagpakawala ng buntong hininga.



Narinig ni Miss Thalia ang lahat, kasalukuyan siyang nilalagyan ng makeup ngayon at natawa nang makita ang pagtatalo namin ni Direk. Alam niya na ayaw ko, pero bakit parang natutuwa pa siya? Ayaw ko nga kasi, isa pa- diba dapat tinutulungan niya ako ngayon?



Biglang nagsalita si Miss Thalia. "Bakit ayaw mo? Kailangan ng support para sa leading lady." Isa pa siya, mukhang gusto rin ipagpatuloy ang nasimulan ko- ayaw na ayaw niya nga no'ng una akong pinakilala ni Miss Claire bilang extra.



Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Miss, kung gusto mo akong makasama, pwede naman tayong mag-date, diba? Bakit kailangan pa sa pelikula?" Tanong ko sa kanya at nakita ang biglang pamumula ng kanyang mukha.



"Babe, sayang naman 'yung exposure mo." Sagot niya at humagikhik.



Napaisip ako sa kanyang sinabi. "Exposure? Eh exposure sa kahihiyan, 'yun na lang ang nararamdaman ko." Sagot ko sa kanya.



Biglang lumapit si Direk at ipinakita sa akin ang kanyang phone screen. " O, tingnan mo 'to. Trending ka na sa TikTok! 'Yung accidental acting mo, 2 million views na!" Sabi niya at tumaas ang aking mga kilay, totoo nga. Pinanood ko ito at natawa dahil sinali nila 'yung mga pinagsasabi ko kahit wala sa script.



Napakamot ako sa aking batok. " Wala bang ibang extra diyan, Direk?" Tanong ko.



Seryoso siyang nakipag titigan sa akin. "Meron, pero gusto ko ikaw." Sagot nito.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon