All parts of this story is pure fiction. All the names, places and events are purely imagination of the author. Be aware of the typographical errors and foul words, this story is written by an amateur. Read at your own risk.
BLACK SECTION
PROLOGUE:
Basang-basa ako ng ulan at sugatan habang tumatakbo sa gitna ng kawalan, ito na ba ang oras ko? Ako na ba ang kasunod?"Sofia tumakbo ka na! Iwan mo na kami!" narinig kong sigaw ni Cedric, katulad ko hirap na hirap din siya.
"Nasaan ka Cedric? Nasaan kayo?!" sigaw ko, patuloy lang ako sa pagtakbo.
Kumidlat at kumulog ng malakas na mas lalong pinalakas ang ulan, iyak parin ako ng iyak, kailan ba ito matatapos?
"N-nasaan na ba kayo.." bulong ko, napapagod nako sa kakatakbo, ang lawak ng gubat na'to kaya't hindi ko alam kung nasaan na ba ako.
"Kath!!!" sigaw ko ng makita ko si Kath, nakaupo siya sa gilid ng puno habang umiiyak ng mahina, at gaya ko, puro putik din siya.
"S-sofia.. k-kilala ko n-na siya, k-kilala ko na ang killer.." bulong niya habang nanginginig, marahil ay dahil sa ulang malamig.
"Sino?! Sabihin mo sakin! Sino?!"
"S-si.. s-si.."
Hindi na niya nasabi dahil nawalan na siya ng malay sa braso ko.
Kailangan na naming makaalis dito.
"Sofia! Buti nalang nahanap kita!" laking tuwa ko ng biglang dumating si Tristan, pero nawala ang tuwa ko ng may makita akong nasa likuran niya, may dala itong itak at balak na niyang tagain si Tristan!
"TRISTAN SA LIKOD!!" sigaw ko pero huli na, bumagsak na si Tristan, duguan at wala ng buhay.
"Run for your life, Sofia."
Dati akala ko masaya ang magiging masaya high school life ko.
Pero ngayon..
Pinagsisisihan ko ng pumasok ako..
sa Black Section.
End of prologue.

BINABASA MO ANG
Black Section [ON HIATUS]
Mystery / ThrillerNasa Black Section ka ba? Dahil kung oo, humanda ka ng mamatay sinasabi ko sayo. Highest rank reached #92 in Mystery/Thriller | 01/30/17 All Rights Reserved © callmimeh 2017