I : Beginning

625 16 8
                                    


I. Beginning

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.."

"Tayo'y maglaro sa dilim-diliman.."

"Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo, isa.."

"Dalawa.."

"Tatlo.."


"Apat.."

"Lima.."


"Anim.."

"Pito.."

"Walo.."

"Siyam.."

"SAMPU!"

--

Sofia's Pov

"Guys! wala daw si teacher Padernal! Free tayo! Ano, taguan?" sabi ni Jeffrey, isa sa mga kaklase ko dito sa black section.

"Game kami!" sagot naman ng mga kaklase ko. Biglang napatingin sakin ang best friend ko, si Krizzia. Agad akong umiling, alam ko na ang ibig sabihin ng tingin niya na'yun, tinatanong niya kung gusto kong sumali kaya umiling ako. Ayoko talaga maglaro ng taguan.

"Okay." sabi niya sakin at ngumiti, nginitian ko naman siya pabalik.

"Tara Sofia! sali kayo!" aya sa amin ni Khristene. "Pass kami, may gagawin pa kami eh." pagdadahilan ni Krizzia. "Hmp! ang kj! Sige babye!" sabi niya at lumabas na. Nagsilabasan narin ang iba kaya kaming dalawa nalang ni Krizzia ang naiwan dito pati si Jm, ang nerd sa klase namin.

Nagtataka kayo kung bakit naglalaro sila ng taguan? Well, pag wala kaming teacher, walang papasok na ibang teacher at magsu-sub sa absent na teacher namin, kaya free kaming gawin ang mga gusto naming gawin pag walang teacher. At kaya naman sila sa field nagtataguan, dahil malawak doon, maraming pwedeng pagtaguan dito sa school namin, AS IN, dahil sa sa sobrang laki ng school namin. Kaya ayokong sasali sa kanila dahil mamaya pa 'yan matatapos, sa last period pa, imagine second period palang namin ngayon, at sa last subject pa matatapos ang laro nila? Nakakapagod 'yun, lalo na kapag ikaw ang taya kaya hindi pa ako sumasali sa kanila, nagpapagod lang ang mga 'yun eh, tss.

Wala namang pakielam ang mga teachers namin dito, pagdating nila sa room namin at madadatnan niyang tatlo lang kami sa loob, lalabas nalang ulit siya. Bale-wala lang para sa kanila ang mga studyante, well, ganun din kami sa kanila.

"Sofia!" tawag sakin ni Krizzia kaya napalingon naman ako, "P-pwedeng sa l-library nalang t-tayo?" nauutal na sabi niya, anong problema nito?

"Bakit?" tanong ko. "P-para maraming tao! ang tahimik kasi dito eh! Please?" napailing na lang ako. "Sige, tara." sagot ko kaya lumabas na kami sa room at pumuntang library.

Pagdating namin sa library, wala ring tao maliban sa librarian na si Mr. Ocuangpo. "Wala rin namang tao dito eh?" sabi ko kay Krizzia. Bigla siyang humawak sa kamay ko, at sobrang lamig ng kamay niya. Ano bang nangyayari dito? kanina pa siya weird. "Okay lang 'yan! tara!" at hinila na niya ako papasok.

Nakita namin si Mr. Ocuangpo na nakaupo habang nakatingin sa computer, bale nakatalikod siya samin. "Good morning sir!" bati namin ni Krizzia, nagtaka kami dahil hindi man lang kami binati pabalik ni sir, imposible naman 'yun dahil close namin 'tong si sir at sobrang hyper niya, he's so happy go lucky man.

"Sir?" tawag kong muli ngunit wala paring response galing sa kanya, nananatili parin siyang nakaharap sa computer niya.

Nilapitan na namin siya ni Krizzia dahil mukhang ginu-good time kami ni sir, si sir talaga oh! nasabi ko nalang sa isip ko. Paglapit namin, ako na ang sumilip kay sir, pagsilip ko sa kanya.. sobrang nagulat ako.

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon