XIX. Chasing foe
-SOFIA-
Grabe ang kaba ko kanina. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang tinatambol sa lakas at bilis. Hindi agad ako nakapag salita. Pero agad nabawi ang kaba ko ng sabihin niya na..
"Okay, don't be so scared. I'm only joking. Matulog ka na, uubusin ko lang ang kape ko at matutulog narin ako."
Joke? Natawa ako sa narinig kong iyon. Isa iyon sa pinaka hindi nakakatawang biro, alam kong alam niya na nasa peligro ang mga buhay namin pero nakuha niya pang magbiro ng ganon. Minsan talaga hindi ko maintindihan si ma'am, parang ang weird niya nitong mga nagdaang araw.
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising dahil may activity daw kami ngayon. Nag-aaral pa ba kami? I guess not. Hindi ko na naiintindihan eh, parang laro lang ang mga nangyayari na hindi naman dapat laro.
"For today, we are going to have an activity called Chasing Foe." panimula ni ma'am. Chasing foe? ano naman kayang activity ito?
"I'll explain it. Listen, do you still remembet your rank? Nagkaroon tayo ng long test at in-announce ko ang score niyo pagkatapos niyong mag-test, right?" I still remember it, ako ang rank 2.
"Actually, this is a game and an activity as well. Ang mananalo ay makakatanggap ng premyo, saka ko nalang sasabihin ang premyo sa mananalo but for now, rank 1 please stand up." agad na tumayo si Charm wearing her smile. Hindi ko alam na naririto pa pala si Charm. I mean, hindi ko siya masyadong nakikita. Hindi siya nakikisalamuha sa amin, hindi rin siya nagtatanong about sa killer and stuff. What with her and her friend Avegiel? geez.
"Sa larong ito wala kayong pwedeng pagkatiwalaan, dahil posibleng ang pagkatiwalaan ninyo ay ang sasaksak sa inyo sa likod. Sarili niyo lang ang kakampi niyo rito, trust no one." kinilabutan ako sa tono ni ma'am, parang siyang baliw na nakangisi sa harap namin.
"What exactly is this game?" sa wakas ay nagtanong narin si JM, inayos muna nito ang kanyang salamin bago maupo.
"This game is about chasing your enemy. Sa larong ito, kakailanganin niyo ng lakas ng loob at tiwala sa inyong mga sarili. Dahil sa larong ito, masusukat ang mga pagkakaibigan niyo. Maya-maya ay aalis kayo, maguunahan kayong makapunta sa isang tagong isla. Hindi niyo kailangang tumawid sa dagat, ang kailangan niyong gawin ay ang hanapin ang mga clues na itinago ko sa iba't-ibang parte ng islang ito. Ang bawat clue ay ang magtuturo sa inyo sa susunod na clue hanggang makarating kayo sa tagong islang iyon. Kaya tinawag na chasing foe ang larong ito ay dahil.. iisa lamang ang maaaring makakuha ng unang clue, at wala kayong magagawa kundi ang habulin ang may hawak non para sa inyo mapunta ang clue and so on. Nakukuha niyo ba?" paliwanag ni ma'am. Naguguluhan ako, bakit kailangan naming gawin ito? Pinaglalaruan niya ba kami?! Bakit?!
"At bakit kailangan naming gawin ang mga sinabi mo?! Sino ka ba sa tingin mo? Hindi ko maintindihan ma'am, bakit? para saan lahat ng to?" Trixie ask, ayaw mag sink-in lahat ng sinabi ni ma'am. It's just.. arg!
"Please explain ma'am, naguguluhan kami." Dean pleaded.
Natigilan kami ng biglang umiyak si ma'am. Umiiyak ito ng mahina. Hindi ko alam pero bigla akong na-guilty.
"C-class, patawarin niyo ako." sabi niya, pinunasan niya ang mga luha niya at tumingin samin.
Hindi kaya hindi biro ang sinabi niya sa akin kagabi?
"Alam kong pinaghihinalaan niyo na ako. Pero class, hindi ako ang killer at kahit kailan ay hindi ko magagawa iyon dahil mga anak ko kayo." nagsimula na siyang magpaliwanag.
"Sa loob ng ilang araw, alam kong napansin ninyo na sobrang busy ko. Ang totoo niyan, I tried to contact our principal para humingi ng tulong. But, instead na tulungan ako ay inutusan niya akong mag-ayos ng game na ito. At eto nga ang pinagkaabalahan ko ng mga nakaraang araw. Ikinalulungkot kong sabihin na kailangan ninyong gawin ito. Para sa kaligtasan niyo."
BINABASA MO ANG
Black Section [ON HIATUS]
Mystery / ThrillerNasa Black Section ka ba? Dahil kung oo, humanda ka ng mamatay sinasabi ko sayo. Highest rank reached #92 in Mystery/Thriller | 01/30/17 All Rights Reserved © callmimeh 2017