XIV : Rescuers on the way

136 5 1
                                    

XIV.  Rescuers on the way

-KHYLA-

"Khyla.. nandiyan nako." sa bawat pagsasalita niya ay kinikilabutan ako. Iligtas niyo ako, please, iligtas niyo ako.

Mas diniinan ko pa lalo ang pagkakatakip ko sa bibig ko upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Kailangan kong makaligtas, kailangan kong mabuhay.

"Isa.."

Napapikit nalang ako, kailangan ko na bang tanggapin ang katapusan ko?

"Dalawa.." bakit sa dinami-rami ng tao, bakit ako pa?

"Tatlo.." kulang pa ba ang isang taong paghihirap ko?

"Apat.." kulang pa ba ma kinuha niyo na ang mama ko?

"Lima.." tinakpan ko nalang ang tainga ko para wala akong marinig. Ayokong marinig ang boses niya, ayokong marinig ang masaya at matinis niyang boses.

Lumipas ang ilang minuto at tinanggal ko na ang mga kamay ko sa tainga ko, huminga ako ng malalim. Siguro naman ay wala na siya.

"SAMPU!"

"AHHHHH!" napasigaw ko ng malakas, nasa harapan ko na siya! Nasa harapan ko na ang halimaw, nasa harapan ko na siya.

"Paano ba yan? Nahanap kita. Handa ka na ba sa parusa mo?" hindi pako nakakasagot ng bigla niya akong hinampas ng matigas na bagay sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

**

Nagising ako at ramdam ko agad ang pananakit ng ulo ko. Natagpuan ko ang sarili kong nakatali sa isang upuan. Nakatali ang mga kamay at paa ko, hindi ako makagalaw.

"Pakawalan moko dito!! Parang awa mo na! Pakawalan moko!" pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinapansin, may ginagawa siya sa lamesa, nakatalikod siya sa akin.

"Ssshh, don't shout little girl. Dahil mabait ako, sige bibigyan kita ng chance para makatakas." sabi niya, balot na balot siya ng kulay itim na tela, may maskara siyang puti na parang clown, hindi ko madetermina kung lalaki ba siya o babae.

Nagpupumiglas parin ako sa upuan kung saan ako nakatali kahit alam kong hindi ako makakatakas.

Hinahanap kaya nila ako? Si Khristene? Paniguradong nag-aalala na siya sakin.

"Let's start. I will give you question at pag di mo 'yon nasagot ng tama, may parusa. Excited ka na ba?" sabi niya, voice stimulator, ayan ang ginagamit niya para hindi makilala ang boses niya.

"I-ikaw rin ba ang pumatay sa mga kaklase ko?" tanong ko.

"Ang galing mo! Ba't mo alam? Hahahaha! Tama na satsat, magsimula na tayo."

Saka ko lang nakita ang laman ng metal tray na inaayos niya kanina. Mayroong mga kutsilyo, may baril, may itak at mayroong pamutol ng puno.

Biglang tumulo ang mga luha ko, hindi ko inaasahan na ang sama ng pagkamatay ko.

"Ano ang tawag sa punong okay lang?" wtf? anong klaseng tanong yan?!

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon