XII. Here comes the two
-SOFIA-"Earth to Sofia!!" napabalik ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si Krizzia na nasa harapan ko. Kulang nalang lumabas ang tutuli ko sa sobrang tinis ng boses niya.
"Don't shout, I'm not deaf." I said, today's gonna be a tiring day I guess.
"Then listen to what I'm going to say here. Look, you're drowning by your own thoughts, you can tell me your problem if you have," she said, she's so caring to me everyday and I lover her for that.
Since last night, hindi ako makatulog, laging nasa isip ko ang pangyayaring iyon.
Dean hugged me, not just hug me but it's different. I mean, ang higpit ng yakap niya sakin, the same feeling when Kier is hugging me. It's like I'm secured when I'm in his arms, I felt like he's Kier.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ano bang nangyayari sakin? Maybe I'm just missing Kier so much.
Yeah, maybe I'm just missing him that's why I feel like he's around.
But Dean is not Kier, and he will never be Kier. Never.
"I'm fine. Don't worry." I said as I flash a smile on my face.
"You sure?" she asked.
"Oo nga! Tara na nga at baka nandoon na sila Kath.."
****
Lumabas ako ng hotel para magpahangin, it's 10 in the evening. Hindi ako makatulog, parang may pumiligil sa aking matulog.
Napangiti ako sa pagdami ng malamig na hangin sa pisngi ko. Sumasabay naman ang aking mahabang buhok sa hangin, tila ba nagsasayaw ito.
Pinagmasdan ko ang paligid, tanging tunog ng kuliglig ang maririnig, isama narin ang tunog ng mga dahong naghahampasan.
Napakalaki ng islang ito, paglabas ng hotel ay sasalubong sayo ang buhangin, pino ito kaya masarap umapak kahit wala kang sapin sa paa. Sa kanang bahagi ng isla naroon ang malawak na gubat, masukal ang gubat kaya walang nagtatangkang pumunta roon. Nakakatakot kung iisipin mo ang mga hayop na naninirahan sa gubat ngunit napaka ganda sa islang ito. Sa kaliwang bahagi naman matatagpuan ang malinis na dagat.
"Psst." teka, boses ba 'yon?
"Psst." nanginig ako ng marinig ko ang pangalawang pagtawag niya. T-teka, ako na ba ang isusunod?
"Huli ka!!"
"AHHHHHH!" napasigaw ako ng may biglang bumulaga sa harap ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hahahaha. Grabe ka naman magulat. Ang epic! Hahahaha!" ano daw? Hindi siya ang killer?
Idinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko ng may makita akong lalaking tawa ng tawa. Hindi siya pamilyar sakin, mukhang taga rito siya o nagpunta lang siya dito. May back pack siyang nakasukbit sa likod niya, medyo kahabaan ang buhok pero hindi ko itatangging gwapo siya. Teka, sino nga ba 'tong bwisit na lalaking 'to?
"Teka nga! Sino ka ba? At bakit ka nananakot?" tanong ko.
"I'm Dale. Sorry kung natakot kita. Gusto ko lang sanang itanong kung nandiyan ba sa hotel ang black section?"
"Oo nandito nga. Anong ginagawa mo rito?" sa pagkaka alam ko, exclusive ang islang ito para sa mga private teaching, gaya ng punishment namin.
"I'm a transfree. Pinahatid ako ng principal ng Madlum High dito. Alam narin ni Ms. Mateo na darating ako." he said, o-okay? Edi magiging classmates kami.
BINABASA MO ANG
Black Section [ON HIATUS]
Misterio / SuspensoNasa Black Section ka ba? Dahil kung oo, humanda ka ng mamatay sinasabi ko sayo. Highest rank reached #92 in Mystery/Thriller | 01/30/17 All Rights Reserved © callmimeh 2017