XVII : The hidden truth

116 5 4
                                    

XVII. The hidden truth


-3RD PERSON-


Aligaga ang lahat sa paghahanap kay Kris. Hindi nila matunton ang kinaroroonan nito. Halos halughugin na nila ang buong hotel ngunit hindi parin nila ito mahanap.

"Could you please explain to me what's happening?! This is creeping me out! What's happening?!" sigaw ng hingal na hingal na si Kaille. Kaibigan niya si Kris kaya't nagaalala siya sa maaaring nangyari sa binata. Hindi nila alam kung nasaan si Kris.. isa lang ang alam nila..

Posibleng may nangyaring masama kay Kris. 

"Okay, hush down Kaille. Do you remember the killer? The devil who killed our classmates! That devil is our classmate Kaille! One of our classmate is the killer! So don't trust anyone, trust no one." biglang nagtaasan ang mga balahibo ni Kaille sa sinabing iyon ni Uly.  Hindi niya akalaing totoo ang killer, hindi niya alam na may pumapatay sa mga kaklase niya. Ang buong akala niya ay isang malaking aksidente lang ang lahat ng mga nangyari.

"This can't be.. this can't be! That's not true!" hindi makapaniwalang saad niya. Umiiling-iling pa siya habang bumabagsak ang mga luha niya.

"That's true Kaille! We don't know what will happen next! We don't know if we are still breathing tomorrow! We don't know! So please, cooperate. It's for Kris, we need to find him.. we need to save him." sabi ni Kath habang tinatahan ang luhaang si Kaille. Tumango-tango naman ang dalaga.

Sa kabilang banda, palihim na lumuluha si Daisylyn dahil sa nangyari, dahil sa mga natuklasan niya. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang kaibigan niyang si Kaille, hanggang ngayon ay hindi man lang nabawasan ang pagmamahal niya para dito. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin siya sa mga nagawa niyang kasalanan kay Kaille.

"Kailangan kong bumawi sayo, Kaille. I will save Kris for you.. no matter what." bulong ng dalaga at bumalik sa kanyang kwarto.

Naghanda siya ng mga gamit na kakailanganin niya para sa paghahanap kay Kris. Nagdala siya ng isang bagpack na mayroong first aid kit in case of emergency. Kinuha niya rin ang baril na nasa ilalim ng kama niya.

"Tama ka, ma. Darating at darating ang araw na magagamit ko ito." bulong niya at isinilid niya sa kanyang bulsa sa hita, sa ilalim ng kanyang isinuot na dress. Mayroon siyang sinuot sa kanyang hita, isa itong matibay na tela na may garter, dito maaaring isilid ang baril-- na bigay ng kanyang ina.

Nag-aalangan pa ang dalaga sa gagawin niya pero alam niyang kailangan niyang gawin ito para sa kaibigan niyang si Kaille. Ang alam niya lang sa ngayon ay ang makabawi sa kaibigan sa kabila ng lahat ng nagawa niya.

Naglakad siya palabas sa likod ng hotel. Sa pangalawang fire-exit, laking tuwa nalang niya ng mapagtantong dalawa ang fire exit ng hotel. Lumabas siya mula roon at nagtaka siya sa bumulaga sa kanya paglabas niya.

Isang gubat.

Kahit takot na takot ang dalaga, sinikap niyang dumaan sa gubat na iyon dahil wala na siyang pagpipilian, ito lang ang tanging daan upang walang makaalam sa gagawin niya.

Magdadapit-hapon na ng makalabas siya sa gubat. Hindi niya inaakala na aabutin siya ng oras sa paglalakad palabas ng gubat na iyon.

Iniluwa siya ng gubat sa tabing dagat. Mas lalo siyang nalito, hindi niya alam ang lugar na iyon, hindi niya alam na dagat lang naman pala ang lalabasan niya sa gubat.

"Kailangan ko ng mahanap si Kris, kailangan ko na siyang matagpuan." nasabi nalang ng dalaga sa isipan niya.

-SOFIA-

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon